The number complaint I hear is that all the candidates are corrupt, evil people, and that there isn’t anyone to vote for. I don’t believe that every one of these candidates is bad,they only become mega millionaire. Kapitan Kidlat is disappointed in the quality of these candidates,he want me run for office. It’s not too early to think about the next election. Where would we be if a a catholic priest from Pampanga hadn’t come forward to lead Pampanguenio? Aha! I was wondering , if I ran for president, what would be my campaign promises? What if I am elected?
If I’m elected president, I will require members of Congress to work out on moping the congress hall every morning or else they can’t have pork barrel. Cut spending by dismissing their personal driver,who need it when they ride a bicycle,dismissing their bodyguards to see if they come to session alive and if they are being loved by the people.I make peace with Bayani Fernando and appoint him head of street sweepers of MMDA it is a terrible thing to waste his experience. Give a presidential pardon to no one,” Don’t do the crime, if you can’t do the time. Don’t do it!” Increase jobs by sending all OFW home,there rich Arabian employer must come and live in the Philippines if they want to have a Super Maids.Let the Filipina rape and abuse them.
It is clear that if I become the next president is likely to face MILF,Abu Sayaff,NPA that is still plagued by sectarian fighting and occupied by a sizable number of uncircumcised,uneducated troops.The are likely a problems, include continued political disagreements in our country.I have a solution for that,I require everyone to have a Cedula to prevent NPA from crossing the border of Abu Sayaff and having too much influence and conflict about kidnap for ransom business.I recruit Ces Drilon as a negotiator.
In Mindanao, Oh yah! what about Mindanao? Our security would be undermined if parts of Mindanao turned into a failed divided state that serves as a petri dish for insurgents and Bedol Bedol Kidnap for ransom gang, It is right in the heart of the banana republic region that can not be reach so quickly,we need Sulpicio Lines.It is directly in opposition to our interests, to the interests of hindi na makakatikim ng saging. So it will be up to me to try to figure out how to protect those national security interests and continue to take our foot soldiers to end these this urban warfare, which I think is a loser. Number of military troops should keep their heads mahirap makapag-isip kapag putol na ang leeg.
Kapitan Kidlat is having Miting De Avanse in his Barangay that Gloria Arroyo is pushing again to ammend the constitution to Federalism,He was misquoted by his people,they are not well educated in political science coming from different walks of life and mostly exiled from the riles ng train and they though it is a Pidalism religion and they started reading the Bible. Kapitan worries about polarization of his Barangay, the possible compromising of the rule of law. What might happen of his worst fears if Gloria Arroyo extend beyond 2010.Kapitan could not have a procurement for the helmet to his tanod.He want me to become a president so that he can operate Jueting in his Barangay.Looking over my campaign promises, I’m sure Arroyo Administration are even now rejoicing that I’m not really running for president. However, my hope is still out that oppositions will give a good fight!
Bravo pareng Cocoy, now that we have an automated election system, Palito can no longer win by dagdag bawas. With a wide margin of votes against Palito, President Cocoy will certain restore the honor and dignity of this once great nation!
Pareng Cocoy
Walang masama kung maisipan mong tumakbo bilang presidente kung magkakaroon ng election sa 2010. Alamin mong noong 2004, umabot sa 79 ang nag-file ng kanilang candidacy kahit alam nilang ang matinding kalaban ay si FPJ at GMA. Labanan noong ng PANDAY vs. PANDAK. Iwasan mo lang ma-disqualify agad katulad nang nangyari noon. Nadismaya kasi ang COMELEC nang tanungin ang isang kandidato kung ano ang kanyang kakayahhan, ang ginawa ay sumayaw ng Otso-Otso. Ayun, nadiskaril ang kanyang kandidatura kasama na si Elly Pamatong at iba. Pero naiwan si Eddie Gil.
Anyways, bilang isang kaibigan, mayroon din akong pwedeng maitulong sa iyo. Ang una kong panukala, dahil kailangang apruban mo muna, ang gagawin nating battlecry: PAG TINALO, DINAYA !!!
Naku ngayon lang ako nagingles mali pa… I mean “certainly”or centerly hahaha.
Anyway ka Joe,
Okay iyang batlecry natin: PAG TINALO, DINAYA.
Dagdag lang, PAG NANDAYA, SUPOT, HAHAHA
Ang plataporma de gobyerno na siyang iyong ipapangako ay ang sumusunod:
1. Tataasan mo ang sahod ng lahat na empleado at babaan ang presyo ng mga bilihin. (Kapag itinanong kung paano, sabihin mong parang madyong, secret)
2. Gagawing legal ang gambling & prostitution
3. Bawat probinsiya ay gagawing independent state at kanya-kanya ng pakulo.
4. Ang NPA ay hindi na tatawaging No Permanent Address. Bibigyan sila ng kanilang email address.
5. Ang problema sa Mindanao ay reresolbahin ni Garci at Bedol, hayaan mo sila dun.
6. Ang remittance ng mga OFWs ay dodoblehin mo (secret din kung paano gagawin)
7. Ang foreign debts, hindi mo na babayaran (wala kasing pambayad)
Ako ang bahala pagdating sa pondo.
HIHIHIHIHIH>
Kapag si Cocoy ang naging presidenti maraming First Lady.
Pwedi na akong maging sexytary.
Under moderation ang comment ko.Uulitin ko.
Kapag si Cocoy ang naging presidenti maraming First Lady at pwedi na akong maging sexytary.HIHIHIHIHIH>
Kapag maging Presidente si Cocoy, may 1st, 2nd, 3rd, 4th Lady. Ako ang kanyang Executioner Secretary. Taga execute ni Gloria Arroyo at kanyang mga tuta.
cocoy! before i read your post, i wanna make this clear:
I WANNA BE THE FIRST WOMAN SENATRESS.
Walang aalma, kundi tutuliin ko kayo lahat.
hehehe
Hay naku anoh?! I am reading all these shit about federalism and everything – finally! the cat is out the bag – ika nga!
Pour moi? presidential, parliamentary, federalism, monarchy (current system) doesn’t make any difference gaya nga nang emphasis mong corruption.
No matter what kind of clothes ang ibaro mo sa mga kurap na tao, kurap pa rin ang mga yan kahit na anong klaseng gobyerno.
ARMM, autonomous chorva ekek, ano na nga ang ginawa ni Misuari sa mga kapwa nyang muslim? Paki-remind nga ang lola!!!
This is why, if you ran for President, hellll! Eye em joining the darn ticket! I WANNA BE DA FIRST WOMAN SENATRESS!!! My platform? WALANG KATAPUSANG SANTACRUZAN TOOOOOO!!!!!!!
hahaha! kapag si cocoy ang naging presidente araw-araw ay may mamamatay na tongressman dahil aalisan sila ng bodyguard.Makakatipid na sa gasolina dahil magbibiseklita sila.Mapapauwi na ni kutsara ang biyenan niya sa pinas,magkakaroon na ng trabaho kasamang magwalis ni fernando ng kalsada.Makakausap ko na ang kumpare ko sa bundok dahil magkakaroon na siya ng email address.Masaya dahil laging mag sa santa cruzan si reyna elena.
Hindi na jatropa ang itatanim kundi manga.Mango Republic na ang Pinas.Mas aasenso dahil mahal ang manga $1 isa.
Para ko ng nakikita si kutsara ang gagawin niyang press secretary for his high command of english.Si joeseg ang executive secretary.
Kapag si Cocoy ang naging presidenti bawal ng tumawa ang bungi,magpapagawa sila ng pustiso kay Maningning.Pagkakulong na habang buhay ang parusa sa mga lalaki na nakikipagtalik sa buntis,Wala ng palakasan lahat ay pipila na at kukuha ng numero sa mga pampubliko at pribadong kalakalan.Wala ng mag-aaral ng nursing mag dodoctor na lang sila.Hindi na maghihirap sa bigas dahil lahat ng stambay sa kamaynilaan ay pauuwiin na sa probinsya para magsaka.Pauuwiin na rin niya si Bolante for researh kung papano gawing fertilizer ang tubig.Magbabayad na ng tax ang mga simbahan.Tataasan na ang sahod ng mga katulong,2 days off na sila at kapag lumampas ng 8 hrs.pagtatrabaho ay babayaran sila ng overtime.Wala ng made in china,made in the Philippines na.Bubuhayin ang pagawaan ng sapatos sa marikina,bibigyan ng capital ang mga sastrehan para wala ng ukay-ukay.
Magkakaroon ng home for the ages at mag-aaral sila ng nursing.
Bawal na rin ang supot sa pilipinas.
Manong Cocoy for President. Yeehey! ayos iyan basta’t huwag mo lang kakalimutan na ako ang i appoint mong hueting lord.
Kutsara kung jueting lord ka,ako naman ang wetting princess,HIHIHIHI>
Oh, my goodness! Sa kabulukang ng kasalukuyang gobyerno, kahit ang nanahimik na si Pareng Cocoy ay baka mapilitang pumalaot sa larangan ng pulitika. Ang mga komento rito kahit pabiro ay simbolo ng ating hangarin ng mga pagbabago.
Everybody is dreaming but it’s not bad to dream dahil doon makakaya nating lahat. Kahit sa Sa Panaginip Lang, sa pamamagitan ng isang pindot dito.
Kung ipagsama natin itong CD at sa kabila ni Ate Ellen, ang mga bloggers at mga kamag-anak nila at kaibigan ay malaking bilang na. Ako ang kukumbinsi sa mga Tsinoy. Hawak ko ang Chinatown at Binondo.
Kung presidente na si tito Cocoy, ako’y magbu-volunteer na DSWD secretary. Ito ang aking mga gagawin.
1. Itigil ang dole out, gawin itong livelihood assistance. Ang DSWD assistance ay maibibigay lamang kapag dumaan ng intensive case study ang bawat recepient ng assistance.
2. Palawigin ang community organizing kung saan ang mga tao ay tuturuan sila mismo na gumanap upang alamin, suriin, at lapatan ng kaukulang sulosyon ang kanilang mga problema at pangangailangan. Tuturuan silang magmobilize ng local at external resources para sa livelihood, magtayo ng mini-infrastructure projects sa talagang kailangan nila, magtatag ng mini-cooperatives, magtaguyod ng mga skills training, at tulungan ang bawat pamilya na maging matatag sa pagmamahalan, respeto, at disiplina.
3. Gawing realistic ang KALAHI projects kung saan ang mga tao ang magsasabi, magdidisisyon, at kasama sa implimentasyon ng mga proyektong pangkabuhayan, impraestraktura, pagsasanay, at pangkalusugan.
4. Bibigyan diin ko rin ang pagpapatupad ng kahandaan (moral, economic, organizational, social) ang mga taong squatters bago sila paalisin sa tinutuluyan nilang lugar.
5. Ipagpapatuloy ko ang mga proyektong pangkababaihan para sila proteksionan, bigyan ng kakayahan (empowerment), at wastong kaalaman sa pangangalaga ng tahanan.
6. May isang social worker, community development worker, at livelihood worker sa bawat barangay. Patterned after Barangay Kidlatan.
7. Ang mga pulubi ay dalhin sa mga rehab centers para sila ay suriin ng doktor, alamin ang kanilang background, kupkupin pansamantala, bigyan ng pagsasanay sa mga kakayahang pangkabuhayan, bigyan ng capital assistance, at i-monitor ang kanilang progress.
8. Pagbibigay ng shelter sa mga OFW na namamaltrato sa ibang bansa.
9. Ang bigyan sigla ang pagmamahalan, paghahanapbuhay, pangangala ng mga anak ng mag-asawa sa pamamagitan ng counseling at referral services.
10. Higit na kahandaan sa rehabilitasyon ng bawat nasalanta ng mga bagyo, lindol, sunog, at iba pang klase ng disasters at aksidente.
To do these things, kailangan ng malaking pundo. Makukuha ang pandagdag sa pondo ng DSWD from the presidential social fund at inteligence fund.
Ang sarap mangarap ano po?
College Girl, pondo hindi pundo. Bisaya ka ba? Sinabi ko na ngang ako ang bahala sa pondo. Walang problema si future President Cocoy diyan.
cge sir cocoy, isulong ang pamahalaang magtataguyod uli ng Pilipinas!!!
dapat sir cocoy daanin na sa dahas lahat ng involve sa anomalya nang matauhan naman lahat ng pipol!!!
susuportahan ko din si sis mer sa pagiging DSWD secretary…
ako ba? i designate mo nalang akong kalihim ng agrikultura… hahaha!!!
walang scam na magaganap kapag ako ang humawak.. malaki pa mandin ang budegt ng DA ngayon dahil sa isinusulong na rice self sufficiency plan.
hehehe
Thanks for the correction kuya artsee, it’s mistikining of the typing, hehehe.
By the way, ilang milyon ba ang napanalunan mo kay Atong Ang?
Tamang tama si Yhen bilang secretary of agriculture.
Alam na nya ang pasikot sikot bilang taga Philrice. Hindi na tayo magkukulang sa ani dahil pagyayamanin ang mga pananiman para hindi na umangkat ng bigas sa ibang bansa. Ang mga fertilizers ay totoong makakarating sa mga farmers at hindi matutulad sa ginawa ni bulate, este bolante na ginawang pambili ng boto para kay gloria ang halagang nakalaan sa fertilizers.
At kapag si Mer ang naging DSWD secretary, wala nang magiging problema dahil nailahad na niya ang kanyang programa sa #20. Wala nang hahanapin pa.
Ako naman ay handa anytime na kukunin akong DILG secretary ni presidente Cocoy. Anyway puwedi ko nang iwanan ang Barangay Kidlatan kina Banong at Britney Isper. Kung sakasakali man, ang main program ko ay life style check ng mga local government officials na may chics. Makakatulong dito si Kimuchi ng malaki dahil kilala niya ang lahat ng mga kulasisi ng pulitiko.
Pangalawa, ibibilad ko sa ilalim ng puno ng mangga ni President Cocoy ang lahat ng mga kotong cops pati na MMDA officials na nangaabuso. Iyon nga lang puno ang langgam doon sa ilalim ng puno ng mangga. Hindi lang iyan, lahat ng mga kinotongan nila ay tatawagin ko at bigyan sila ng magkabilang halik sa pisngi sabay batok, hahahaha. Buhayin ang disiplina nang magbago ang takbo ng buhay sa Pilipinas.
At lahat nang mga nagsusugal, dalhin sila sa Casino at para maubos na ang kanilang pera. Mga anak ng jueteng, tuloy lang ang jueteng ninyo kaya lang malaki ang babayaran ninyo para sa jueteng tax na mapupunta naman sa kawanggawa. Mga pulis at pulitiko na makikialam dito ay paparusahan ng departamento ng isang buwan na kulong sa Mental Hospital para matutuo. Ewan ko lang kung hindi sila mabubuang.
College Girl, ginawa ko na lang jueteng collector si Atong Ang sa probinsiya.
Alam niyo ba kung sino ang makakalaban ni Cocoy sa 2010? Sina Noli de Castro at Vilma Santos na mga manok ng Malacanang. Basta suportahan natin ang Cocoy-Ellen team sa 2010. Binigyan ko na ng P2B paunang pondo si Cocoy. Kapag palapit na ang election ay huhustuhin ko ng P10 Billion. Hindi pa kasama ang mga tulong mula sa Tsinoy Community. Payuhan niyo lang si Cocoy na huwag puro golf at inom ang inaatupag. Dapat ibahin niya ang imahe niya. Umpisahan na niya ang magsimba sa lahat ng simbahan at iba’t ibang relihiyon. Amen? Amen!
Kantutanvillage este kidlatanvillage, ano naman ang kakayahan mo bilang DILG Secretary? Dadaan ka muna sa screening committee na itatatag ko. Iyong mga may gustong humawak ng puweste sa kabinete ni Cocoy, puwede na kayong magsumite ng inyong mga application.
Dapat lang na maging tapat si Pangulong Cocoy sa paglilingkod ng bayan nang hindi magkayak 10 ang kanyang mga cabinet members sa Manila Bay, ha-ha-ha. Apply na akong spiritual adviser ni Pangulong Cocoy with Kimuchi as my team leader for moral regeneration.
Dagdag pa, moral recovery. Hihikayati natin ang buong bansa na hindi lang basta manalangin, magmatiyag pa sa mga taong gumagawa ng kalokohan sa gobierno.
Doc, ang makakatapat mo si Bro. Mike Arroyo na spiritual adviser ni Gloria.
Ay mali…si Bro. Mike Velarde pala. Noon, ang El Shaddai at INK ay pabor sa Reproductive Health Bill. Ewan ko lang sa INK pero ngayon kontra na ang El Shaddai sa Birth Control Bill kampi kay Gloria.
Yes, hihikayatin din natin ang mga dayuhan na namumuhunan dito na maging patas sila sa negosyo at magbayad ng tamang buwis, at the most important thing dagdagan nila ang sahod ng kanilang mga employees.
Artsee pabor tayo sa family planning and responsible parenthood.
Artsee barangay tanod ako, presidente ng TODA, Right hand ni Kap, tagapunas ng sapatos ni secretary Puno, at ang tanging sikretaryo na nakapulot ng panty ni Kimuchi. At may doctorate ako ng Public Ad sa University of Recto. Dati din akong kawatan ng Divisoria at pinalaki ng lolo kong siga sa Bangkusay Tondo. Kung ikaw ang chairman ng screening Kamatis, este committe ipapakita ko sa iyo kung paano ako magkata, mag-arnis, pumutok ng double tap sa kili-kili.
Kung ako si kidlatanvillage iyan ang sasabihin ko dahil kawatan iyan.
Ang hirap kasi sa Simbahang Katoliko, nililito ang mga tao. Sa Genesis kinuha ang aral ng Diyos na magpalago ang mga tao. Pero hindi itinuloy ang pagbasa ng sitas….ang kasunod ay sugpuin na ang ibig sabihin ay pigilan o pamahalaan o magplano. Bago mabuo o magkabuhay ang sinapupunan ng babae, hindi abortion kung iwasan ang pagbuntis. Kapag buntis na at pinatay, iyan ang tawag na abortion. Etong mga Paring ito….palibhasa hindi kasi nabubuntis.
Sorry kidlatanvillage joke only…
Doc, sa mga binanggit mong mga credentials, tanggap ka na namin. Buti pa isama ka sa Senatorial line up ni Presidente Cocoy. Siyanga pala, ako din ang tatayong campaign manager. Sana pumayag na si Ate Ellen sa kabila na maging Bise ni Cocoy.
Pag si Cocoy ang magiging presidenti ay mga ilokano ang gagawin niyang mga henerales sa military,bawal na ang malalaking tiyan na pulis at ilimit na ang kanilang mga kabit sa isa lang.Baka nga aasenso na at mag-export na tayo ng bigas kapag si Yhen ang gagawing agriculture secretary.
Papalitan na niya ang slogan ni Marcos.
“Sa Ikayayaman ng Bayan Sipag ang Kailangan” bawal na ang tamad sa Pilipinas.
Hindi pa ako nag-uumpisang mangumpanya,nagpahayag lang ako ng kandidatura ay sinasabotahe na ako ng mga kalaban.Hindi ako makapag-access sa ibang website,kay ellen,doc.bobonyo,kap,yhen.college girl,reyna elena,kay tongue at higit sa lahat hindi ako makapunta sa calauag at iba pa kanina pa.Kinasel yata ang aking passport.Ngayon lang ako nakapasok at dito lang sa CD.Papano tayo mananalo niyan?
Cocoy,natatawa ako na kahit biro biro lang ang mga ito ay naipapakita pa natin sa ating mga kababayan na may pag-asa pang naghihintay sa kanila sa katauhan mo,natin at ang iba na katulad mo ng pananaw na nasa Pilipinas at magiging wake-up call sa kanila ang mga adhikain natin dito na sana’y umunlad na ang Pilipinas na umaabante ng paurong simula ng ninakaw ni arroyo ang poder,nilapastangan,binaboy at pinagnakawan.Sana totohanan mo na.
Hayaan mo Mang Greg kapag si Cocoy ang maging presidenti solve na ang problema mo.Na appoint na si doc.bobonyo sa medical research ng pampatigas lalo na kapag mag volunter ako sa medical experiment,hindi ka na gagamit ng daliri.HIHIHIHIHIH>
Sana nga kimuchi ng matuwa naman sa akin ang lola at ninang mo.Lalaki kaya ng katulad ni Cocoy?
Magiging mas daku pa Mang Greg.Ako ang titisting sa una para hindi tayo mapahiya kay ninang at lola kung approve.
Iba palang pag-asa ang inaasam mo Mang Greg.Pag-asa mo lang at naghahangad ka pa ng malaki.Hahaha!
Ano kayang pwesto ang iaasign ni presidenti cocoy sa akin.Sana sa custom.
Bakit sa custom ang gusto mo kumander Pipi? Balak mo bang maging milyonaryo at magpatayo ng mansion?
Para masubukan ko naman kumain ng ham na de lata,okey na sa akin kung rolls royce pagtiyagaan ko na,pagtiyagaan ko na rin na tumira sa Dasma.Liligawan ko uli iyung crush ko ng high school na matapobre at binasted ako para naman madagdagan ang pagmamahal ko sa misis ko,hindi ko naman iiwanan si kumander kundi magdagdag lang ako.
Sa pakiwari ko lang Kimuchi kapag si cocoy ang maging presidenti,walang kamag anak,walang kaibigan,walang kumapre,walang palakasan kundi tayo lang na mga kaibigan niya ang exempted sa kanyang patakaran sa kakungan sila pupulutin.Parang erap sa kangkungan siya pinulot.
Kaya nga noon pa panay na ang pa charming ko sa kanya ng mapansin naman ako,kahit na inisnab niya ako at ayaw pa raw niyang mamatay ng katulad ng dinanas ng mama kay Charito ay nandito at naghihintay na basang-basa sa ulan.
Alam mo Kimuchi crash din kita,pass din muna ako sa iyo,ayaw ko ring mamatay,baka mga tanod ni kapitan may gustong magpatiwakal ay may pag-asa ka doon,pinintasan kasi ninyo ang sisiw ni banong kaya umayaw sa iyo pwedi na sana sa iyon na pangkalso.
Sige kimuchi good night na lang natapos ng maligo si kumander at hindi na nagsuot ng panty at bra nagtapis lang ng tuwalya.
May isang hadlang lang sa pagpi-presidente ni Cocoy. Hindi pa namamatay si Gloria!
Tingnan ninyo at nagbabalak pa lang si Cocoy ay sinasabotahe na siya ng impaktang unana.
Kapitan Kidlat & I is reposting the meaning of CD for new bloggers to know that Pareng Cocoy is the legitimate owner of Cocoy’s Delight and certainly not among the sick people in the Philippines and is therefore qualified to run in any elective position (after following certain requirements. (Siempre naman to avoid disqualification, ano bali?)
COCOY’S DELIGHT, bow!
C-ocoy ang palayaw
O-kay siyang kaibigan
C-ourageous at mabikas
O-ver siyang magmahal
Y-oung at heart siya forever.
D – Debatehan ang menu
E – Engrande ang rekado
L – Libo libo na ang komento
I – Intelihente, seryoso at malisyoso
G – Gloria Macagarapal Arroyo kasi ang isyu
H- Hataw at mainitan ang mga argumento
T- Tawanan namang katakot-takot pagdating sa dulo.
I am saddened to hear that po, sino naman kayang walang puso ang gumawa niyan. Baka naman po naiinggit sila at guwapo kayo, kahawig pa ninyo si FPJ, may ginintuang puso at damdaming nagmamalasakit sa mga mahihirap.
Tito Joe, di ba may S… Cocoy’s delight. Ano na po iyong S… salamat po.
Yhen
Yong missing S, it’s a secret!
E ano naman yung apostrophe (‘) …or better yet sino yung apostrophe? heheh!
Mang Greggy, anong akala mo kay Cocoy, si Marcos? Sa tingin ko hindi puro Ilokano ang mga Heneral na ilalagay niya. Kuripot ang mga Ilokano pero si Cocoy gastador. $25,000 ang baon ko sa kanya sa Pilipinas at ubos lahat.
Ano kaya magandang itatak sa campaign t-shirt?
Being from Zambales like Pareng Cocoy, Ramon Magsaysay was an instant hit with his:
Magsaysay is my Guy!
Ano kaya kung: Cocoy is my boy!
(Pambata ang arrive baka sabihin nila, mama’s boy)
Ano kaya kung: Cocoy, the new Macoy!
(Ka-rhyme pero baka magalit ang anti-Marcos forces)
Ano kaya kung: Cocoy, the real mcCoy!
(Acceptable siguro ito sa mga antay Marcos at tiyak naiintindihan ito ni Kimuchi at Maningning, kasi tunay na tunay at matigas sa paninindigan)
Sigurado may mas magandang pang iba. Kayo naman.
Mer
Ay, sorry dun sa itaas, I addressed you as Yhen.
Ang blog kasi ni Yhen, yong mata nya ang unang sasalubung sa pagbisita mo, nakatingin sa iyo. Para bang sinasabing, bakit ngayon ka lang? Instant recall sa akin kasi ang eksena kapag dumarating ako sa haybol ng aking misis 4d day. Member kasi ako ng SWAT, Samahan ng Walang Asawang Tunay.
Natatandaan niyo pa ba si Cocoy Laurel?
Puwedeng gawin siyang celebrity endorser. Nasa Spain yata ngayon. Tutal pareho silang Espanol ni Cocoy.
Kapag iboto niyo si Cocoy,
Tatanggap kayo ng Tikoy
Labanan ang kahirapan,
Si Cocoy ang kailangan
Kung ang hangad natin ay pagkakaisa
Si Cocoy ang nangunguna sa lista
Lahat ay magiging pantay
Dahil si Cocoy ay kumpare ni Panday
Cocoy,
Bumaba ng bundok Zambales ang mga kapatid nating Aeta, nagtungo sa Mendiola at doon nag-rally para tutulan ang nickel mining ni Little Mike.
Mas mabuti pa na gamitin ang kanilang ancient ritwal laban kay Gloria at baka sakaling may mangyari.
Chi
Mga nakatira sa kabundukan ng Cabangan at Botolan ang mga aeta na bumaba at nagrally sa Mendiola para ipaglaban ang kanilang karapatang manahimik sa kabundukan,sila ang unang tao sa Zambales,hindi sila nalipol ng kastila,amercano,hapon at pati na ang mga walang permanenting address.
Kapag nagpatuloy ang pagmimina sa Zambales ay isa-isa silang susumpipitin sa puwet ng mga tauhan ni patil.
Mayaman ang kabundukan ng Zambales pagdating sa natural resources,pati nga iyung bulubundukin ko sa zambales ay gusto nilang hukayin at kunin ang nickel na nakabaon,manigas sila hindi ko kailangan ang pera,may pambili pa naman ako ng bigas at gasolina.
Noon sinasaway ng mga aeta ang pag-eexperimento ng mga astang matatalino pero gago ang paanan ng Mt.Pinatubo at magagalit daw ang kanilang anito,hindi sila nakinig dahil nakabahag lang ang sumusuway sa kanila at tinawag pa silang “Little Nigger” ng mga balasubas na nagmamagaling na engineer.Sumabog ang Mt.Pinatubo at inilubog ng lahar ang Pampanga.
Mukha yatang mahihirapan ang kandidatura natin sa 2010.Ngayon pa lang hindi pa ako nakakarehistro sa COMELEC ay dini-disqualified na tapos iyung nabili kong helicopter kay eddi hil walang elise papano tayo makakarating sa bikol para mangumpanya.
Tapos iyung mga taong pinalayas ko sa amin sumanib sa administrasyon dahil lang galit sila sa akin.Ang tao nga naman kakapit sa patalim basta’t may makain,nawalan nang dignidad,prinsipyo ang mga taong tamad at parasitiko.
Sumpit na may lason ang dapat itama kina Little Mike at mga tao niya.
Dahil sa utang sa kidnapper ni Ador Manaway ay nakuha ni Defensor ang proyekto ng pagmimina sa Zambales na wala man lang pag-aaral na ginawa para patunayan na may nickel talaga sa probinsya.
Alam na natin ang kasunod niyan. Baha at mud avalanche na tatabon sa mga baryo-baryo at mga bayan at kikitil sa libo-libong Zambaleno. Environment disaster ang dala ni Little Mike at ng kanyang Dirty Mama Gloria sa Zambales, gera sa Mindanao dahil sa chacha at ukay-ukay sa iba pa. Magugunaw ang Pinas dahil sa kriminal na babaeng Pidal.
Mabuti pa si Noli mayroon siyang programa sa mga senior citizen at matatanda,tatayuan daw niya sila ng bahay at bibigyan ng scholarships na mag-aral ng nursing para makapag abroad sila.Kaya ang mga high school graduates ngayon sa atin ay mag-aasawa na lang daw muna sila at saka na sila mag-apply ng scholarship kay kabayan kapag mga lolo at lola na sila para raw makalibre sila sa college tuition.
Ang dami mo naman problema, Cocoy. Alalahanin mong nandito ako sa tabi mo. Anong problema mo sa helicopter? May dalawa ako niyan at isang private jet. Ang mga piloto puro PMA graduates. Hayaan mo ang mga miners na sisira sa ating kalikasan. Nakahanda ang mga snipers ko. Isa-isa tutumba ang mga iyan. “Little Niggers” ba ang tawag nila sa mga Aeta? Kalahi iyan nitong Pandak sa Malacanang. Kahit mga Aeta, itinakwil din siya.
Chi,
Parang bumigay yata si Amor sa minahan na iyan,nasa bayan pa naman niya mismo.Sa susunod si Atong ang ilalaban kong gobernador ng Zambales kapag pasaway si deloso.
Artsee, Alam ko lagi kang nandiyan at ready to go kaya malakas ang loob ko dahil sa iyo.Iyung nga ang problema ipinagbili ni eddi sa akin ang helicopter niya noong kumandidato siya at hindi raw niya nagamit.Kasa nabaluktot ang elise.
Kung may Naval Base pa sana sa Gapo ay magnanakaw talaga ako ng B-52 at iyun ang gagamitin natin pangumpanya Artsee.Mga Salem sana ang ipasigarilyo natin sa mga dadalo sa miting at hindi Bataan Matamis.
Mga Hanes na T-shirt at fruit of the loom na brief at hindi sana tayo magtitiyaga sa ipamigay na binili sa ukay-ukay.
Alam mo Artsee ng may base pa sa Gapo ang mga Aeta ay libreng pumasok sa loob at namumulot sila ng mga junks,kung minsan ay nakakapulot sila ng Impala,Camaro at Mustang.Natutu silang mag “Hey Man,Give me Five”.Gustong-gusto sila ng mga itim at sila ang kanilang “Little Brother”.
Ayos na ayos ang slogan ni Pareng Joeseg.Patok sa masa.Hehehe!
Kutsara,hindi ka lang jueting lord.Santo ka pa ng mga kubrador.
Si Kimuchi magandang pang attract sa tao, tiyak mapupuno ang plaza sa tuwing may miting kami ni kapitan,Panty ni Kimuchi ang gagawing banner.
Cocoy,
Sinong Atong?
Si Amor Deloso ay malamang may hati o tinarayan ng pekeng presidente.
Nakaharap ko na iyang si Amor, ipinakilala sa akin ni Ruben…alam mo naman na isa sa mentor ko ang huli.
Di mo kilala si Atong? Si Atong na may malaking utong?
Pareng Cocoy
Ruben who? Torres?
Baka hindi mo nabasa ang message ko sa topic when you abruptly disappeared. Sabi ko, paki kumusta si Gov. Amor Deloso at former Gov. Vic Magsaysay from somebody who approached them and negotiated for lot donations na tatayuan ng housing projects para sa mga Pinatubo eruptions victims. Hindi nila ako tiyak matatandaan, ang tagal na kasi. At yong housing for the Aetas sa Botolan, we stayed their for a while kasama ang mga katutubo.
Gov. Deloso might be one of the captive local executives ng Malacanang who are toeing the lines dahil may malaking pabuya. Lalo na kung matuloy ang cha-cha, mamumula na naman ng hasang ng mga hinayupak
Katulad noong napagusapan natin noon sa Ellenville, running for an elective position, from Barangay council to the highest level requires a lot of guts and of course, money. The people who are with you today, you can’t be sure if they are with you through and through. But sure, there are exceptions pero bibihira na ang nanalo ng hindi gagastos, do some foul tactics and dirty machinations, if not by the candidates themselves, their henchmen. Siempre, pag napasubo ka na, there’s no substitute for victory.
While we’re making jest of everything here, ramdam na ramdam natin (hindi ang progreso na linya ni gloria) ang bigat ang kalooban natin sa nangyayari sa ating bansa sa kasalukyan. Mayroon nga akong nabasa na what’s being observed now is the emerging people power thru blogging. Unwittingly, kasali tayo dun.
Padi,
Hindi ako nakipagkita sa mga pulitiko doon kahit na mayor.Si Ruben Torres pinsan ko pa iyan kaya lang binilad sa araw ng mga magulang niya simula ng ipinanganak.Iyung kuya ko ang malakas kay Amor dahil companero niya,Magkakasama ang mga iyan sa UP noon katropa nila si Binay.Malakas ako kay Tony at kabulshitan ko madalas sa bahay noon kaya lang nagbabaston na yata siya at naiihian na niya ang kanyang pantalon,iyan ang ibinalita ni Atong sa akin.Si Atong magaling na abugado iyan na kalaro ko ng suyo ng kasoy sa elementarya.
Tito Joe,
Okey lang po iyong napagkamalan akong si yhen, friend naman po kami, hehehe. May kaunting pagkatisay lang po pero mas malakas ang hatak ng dugong kayumanggi, at pusong Gabriela, hehehe.
And speaking of Gabriela, kapag si Tito Cocoy ay sumabak sa pulitika, suportado siya ng lahat ng mga kababaihan… Sa tindig at kilos na lang, talagang bagay na bagay pong maging Presidente ang Pilipinas. Sa mga machong kalalakihan, idol naman siya. Walang problema mamili man sila ng boto ng tao, hindi padadaig ang Tinig, Kilos, at Pag-asa ng Pinoy…
Mer Pints
Nagpadala na nga ng demolition team ang mga kalaban,hindi pa naisusulat ang pangalan ko ay inierase na nila.
Si Reyna Elena lang ang may nababaanag na pag-asa dahil 12 ang mananalo ayun sa survey naglalaro siya sa 69 I mean pang anim o pang siyam siya.Hehehe!
Isama kaya natin ang pangalan mo sa tiket ng senatress.Si Pareng Joeseg ang campaign manager.Die hard sa atin iyan dahil siya ang magiging “Little President” executive secretary.
Kaya lang Mer Pints, marami sa mga kasapi ng Gabriela ay Tibo. Ayaw ni Cocoy niyan. Si Cocoy ay para sa mga tunay na babae lang. Ako na ang bahala sa mga babae. Kukunin ko ang mga Wowowee Girls ni Willie Revillame. Lahat na starlets ay pasasayawin ko sa entablado tuwing may kampanya. Isasama ko din ang mga Cover Boys para sa mga bading at matrona. Nakikinita ko na ang siguradong panalo ni Cocoy. Mabuhay ang susunod na Pangulo! Mabuhay si Pangulong Cocoy!
Ayos iyan Artsee basta’t i reserve mo si Luningning.Hehehe!
Cocoy, natanggap ko ang message mo na humihingi na naman ng advanced campaign fund. Okay, ipapadala ko sa driver ko ang P800M bukas sa bahay niyo. Iyan ay dagdag sa naunang P1 Billiion na inabot ko sa iyo noong isang linggo.
May bago na palang topic. Bweno, manood muna tayo ng sine. Bago pa ito, complete.
CAREGIVER, The movie:
http://www.youtube-pinoy.com/media/8652/Caregiver_-_Part_1/
http://www.youtube-pinoy.com/media/8651/Caregiver_-_Part_2/
http://www.youtube-pinoy.com/media/8650/Caregiver_-_Part_3/
http://www.youtube-pinoy.com/media/8649/Caregiver_-_Part_4/
http://www.youtube-pinoy.com/media/8648/Caregiver_-_Part_5_of_5/
May bago na palang topic. Bweno, manood muna tayo ng sine. Bago pa ito, complete
CAREGIVER, The movie:
http://www.youtube-pinoy.com/media/8652/Caregiver_-_Part_1/
http://www.youtube-pinoy.com/media/8651/Caregiver_-_Part_2/
http://www.youtube-pinoy.com/media/8650/Caregiver_-_Part_3/
http://www.youtube-pinoy.com/media/8649/Caregiver_-_Part_4/
http://www.youtube-pinoy.com/media/8648/Caregiver_-_Part_5_of_5/
Pareng Joe,
Ayaw lumabas iyung sine.Papanoorin sana namin ni kumander.
Ako naman may ipapalabas na “CAR-GIVER”. Mamimigay ako ng kotse.
Kumander Pipi
Pls register first at youtubepinoy.com. That’s what I did bago ako nakapanood. From there, pwede ka nang manood ng iba pang palabas. Libre.
Somebody handed me a pamphlet about Presidentiable Cocoy. What attracted me to read it is the opening statement on why he’s running for President:
I need to do something concrete. I need to let others know that ordinary citizens like me do not remain lukewarm to issues that would later affect me and my children. I want to make it known that there are also Filipinos who dream of something better for the Philippines. I want them to know that my country is not filled with scalawags and crooks in every corner, and that there are citizens left who believe in decency, fairness, a right to speak, a right to voice out ideas, a right to tell the people we have trusted to lead us that they have abused their power and that it is time for them to step down. I refuse to let this country go to hell because it is the only country I call mine and it is my responsibility to make sure I have done what I could for it.
—
Samahan po ninyo ako. I need volunteers. Please visit my headquarter is at Cocoy’s Delight and register your support. Maraming salamat po.
Hindi puwedeng headquarter ang Cocoy’s Delight. Negosyo iyon at maraming kumakain. Baka isipin ng mga tao na cheap tayo at walang lugar. Ako na ang bahala. Bibilhin ko ang isang building sa Makati. Kumpare ko si Mayor Binay. Ang susunod ay magtatayo tayo ng mga Headquaters sa mga probinsiya. Tapos, sa iba’t ibang panig ng mundo. Mahirap din makakuha ng volunteers ngayon. Sa hirap ng buhay, kailangan nila ang kanilang mga pamilya ang kumain. Kaya ako na din ang bahala sa mga suweldo at allowance nila. Isa pang dapat pag-ukulan ay ang sekuridad ni Cocoy. Wala akong tiwala sa mga security sa Pilipinas. Kung minsan nabibili sila ng kalaban. Kukunin ko ang mga Kung Fu Master sa Tsina at Hongkong. Isasama ko din ang US Green Beret at Navy Seal. Lahat iyan ay babayaran ko sa dolyar. Ako pala ang kaisa-isang campaign manager ni Cocoy. Wala akong tiwala sa iba. Ayaw kong matulad sa nangyari kay Angara at Tito Sotto. Tutal ako naman ang magpopondo…dapat lang bantayan ko ang pananalapi. Joeseg, dahil tapat ka din sa grupo; gagawin kitang assistant. Pag-usapan natin ang allowance mo at iba pang mga pribelehiyo. Bago mag-umpisa ang kampanya, puwede kang magpasyal sa Europa at sagot ko ang lahat.
Go for it Cocoy and God Bless.
Pareng Cocoy
May problema sa Masinloc, Zambales na dapat harapin agad. Kung maghihintay pa ng 2010 elections, baka hindi abutan ang kaganapan:
http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=128565
Go for it Cocoy?
We need a leader who will lead this beloved country into right direction! Go for it! Ka Cocoy! I can see to your heart the concerned, dedications, trushworthness, plan with action, I am positively believe that you can change and make it happened our government buerucracy. “Let’s work together, Together we make a difference.” “Let’s Move-up Zambales”
Fren Monmon Mitra
2010