***
Without meaning by Aldrin Cardon
Daily Tribune –
HE SAYS |
Aldrin Cardon |
Noli de Castro may have not felt it, but burning eyes have shot sharp glances behind his back when he delivered his Independence Day speech in Kawit, Cavite, criticizing the country’s oligarchs for what the vice president thinks is their role in the country’s deeply divided political affairs.
Not a few raised their brows, however, for the speech that seems to be lacking in sincerity as De Castro is himself a by-product of an oligarch’s machinery, rising from behind the radio news production desks to become the country’s second most powerful government figure, who in two years, may even become president.
De Castro blasted wealthy individuals and families, even without naming names, for their influence on the life of our God-forsaken nation, perhaps forgetting that he was once a squirming figure trying to get out of the system that consumed him already. The challenge to free the country from oligarchic bondage, however, is coming from a tainted source, a pseudo revolutionary who could not even challenge himself to lead his promised change.
Thank God nobody took De Castro seriously when he rattled off an attack on the powerful families who control the country’s top businesses, politics, and even leisure, as it would have launched a hate or scare campaign against, say, the Lopezes, who ironically, made one Noli de Castro as one of the country’s best news readers before he took politics, and himself, seriously.
If life is a game of truth and consequence, De Castro would have lost it already right in the first turn of the bottle.
De Castro was lost in the Meralco-GSIS issue, often giving ambiguous statements and limiting himself to calls for lower electric rates when asked about it.
De Castro, of course, could not and will not challenge the Lopez family, which has control over Meralco � and at one point, even our lives. Have you forgotten that once, most of the things we consume in our homes belong to the Lopezes? From the electric current, to the programs we watch in television, the news and music we hear on the radio, to water, and the magazines we read in our bedrooms and toilets while we drop the crap.
Filipinos love to remind one another not to bite the hand that feeds him, and most politicians including De Castro take this adage to heart.
Especially in a Third World country like ours, most politicians owe a thing or two from wealthy individuals and families who have helped fund their campaign, more so their rise from obscurity to political fame.
Congress, for one, consists of nearly two-thirds of the old and new rich, some of those outside of these circles had their campaigns directly or indirectly funded by wealthy interest groups and figures, which then lobby for their interests when payback time comes.
De Castro could not be wrong in his speech, but there could not be a more tainted source than him. He failed to convince the people and he will fail again if he won�t change his tack.
De Castro could be an effective radio and TV communicator, but he could not be a better rabble rouser compared to your company union leader that he could lead a swarm of people through the gates of Malaca�ang in one call.
They were just sound bytes to remind us he really wants to walk through the Palace gate on his own next time and no longer behind Gloria Arroyo and leaving the people he promised salvation outside it.
We have learned our lessons from past history.
Even Hitler, or Idi Amin promised the same. But it would not be fair to compare De Castro with either strongmen, he is such a very tame figure.
So tame that he could not even bite the hand that once fed him.
But the very good communicator that he is, he could fire away words.
Meaningless words
De Castro is not physically and mentally fit to become a president having so many shortcomings.He is deaf and mute.
May paninindigan naman si Noli kahit papaano, ang mahirap lang ay kung may enfluential group diyan na hindi mahindian ni Noli. Kaya ba niyang bantayan at ipaglaban ang interest ng buong bansa? Hindi ba siya nagpapadikta sa bulong ng iba?
Dahil sa kanyang exposure sa media, maraming taong napabilib ni Noli, ngunit ang kanyang naging paninindigan sa mga isyung bumagabag sa administrasyong kanyang sinusuportahan ay nawalan tuloy ng gana sa kanya ang maraming tao.
Ang tanong, gusto mo bang makipagsapalaran sa isang taong laging calculated ang kanyang galaw dahil sa personal na interest. this is just my own opinion.
Pwe!
May paninindigan nga…paninindigang duwag!
The gist of the topic is, kanino ba talaga si Noli de Castro sa mainit na Meralco-Government fracas, sa Lopez-Arroyo confrontation?
Alam nating lahat na it’s the Lopezes who pushed and supported Noli to the hilt to enter politics, first as a senator and then in tandem with gloria. Noli is primarily a media creation because he’s foremost a news reader and had his own program, Magandang Bayan which catapulted him to national fame, not necessarily he’s his own man but the good reportage of his staff which made the program on top of the tv ratings. Popularity is the name of the game in Philippine politics and Noli largely capitalized on it. We know that his becoming vice prexy has been put under questioned by Loren Legarda, but the latter for all intent and purposes, gave up her protest by running as a senator.
Duwag nga si Noli, iwas-pusoy kung kanino siya panig.
Ang sabi nga sa Divine Comedy…Hell is reserved for neutrals!
De Castro was lost in the Meralco-GSIS issue, often giving ambiguous statements an
Paanong hindi mawawala si Noli sa kaso ng Meralco-GSIS at puro ambiguous remarks and sinasabi e hindi niya naiintindihan ang issue. I doubt if Kabayad understood the very basic system loss issue.
His independence day speech was put under the microscope by Aldrin Cardon because Noli was not known for mouthing such kind of diatribes poised against the country’s oligarch especially with the simmering and hot issues against Meralco identified with the Lopezes who are also Noli’s former big bosses and still is, if we presume, at ABS-CBN tv network.
The question is, what prompted Noli to deliver his speech? Is he breaking up with the Lopezez and casting his political future, perhaps the presidency in 2010, with gloria in order to get her blessing as the administration’s bet?
As the topic’s writer put it, Noli is such a tame figure, so tame he can’t even bite the hand that once fed him. Pero bakit ngayon, biglang naging a growling lion? Hmmm..
Maybe, Noli is emboldened by the recent survey that he’s on top of the heap of the perceived presidentiables and it’s time to severe ties with the Lopezez and it’s treasure chest which funded his campaign in his two sorties in politics. Knowing that it takes a fortune to run for the presidency, he may have done his arithmetic and came up with a sure fire solution that being with gloria, he’s more assured of money flowing to his campaign coffers when the times. It will be give credence that it’s gloria where money is, kaya doon na siya. Opinyon ko lang.
But picking up from the recent statement by Speaker Nograles, Noli is not assured of being the administrative bet in 2010. I read somewhere that Nograles is also raring to run and he has the credentials to do so compared to the academic and poltical background of Noli. The Speaker even sounded off that Noli is somehow assured that there’s no law prohibiting reelection of vice president candidate.
Paano yan Noli? Gusto mo bang manatili na vice president lang? At yan ay kung mananalo sa 2010.
Oo nga, Joe. Puro growl no bite si Noli.
Bakit ba Noli pa ang pangalan ni Kabayad, nakakahiya kay Rizal!
At nakakahiya kay Jose at Noli. Hahaha!
Another hypocrite! That’s all I can say about Noli. He gave that speech during the Independence Day celebration for political reason. Kunwari kontra mayaman at maka-masa kasi may balak tumakbong presidente sa 2010. Who supported his political career? Wasn’t it the Lopezes and other big people? Sino ang mga kabarkada niya at ka-golf? Mga gambling lords.
Noli de Castro, has his own skeletons in the closet. The only reason why he was elected vice-president is because he was popular, period. Otherwise he is perceived to have used his TV show to aggrandize himself by shaking down would-be “newsmakers.”
He is the reason why the masses are reluctantly revolt to oust Arroyo, de Castro would just assume power and we will be worse off.
Wise din si GMA at ginawang Bise si Noli. Kung magaling at matino ang Bise niya, marami ang susuporta sa pagpalit sa kanya. Nasaan si Noli sa loob ng pitong taon na panunungkulan ni GMA? Tahimik at walang pakialam.
Sawa na ako sa mga nangyayari sa Pinas. Walang katapusang corruption, walang kamatayang pangbabatikos, pagbabatuhan ng tae at pagpapa-taasan ng ihi ng mga pulitiko sa bawat isa, walang tigil na imbestigasyon ng kung ano-anong isyu pero wala namang matinong resolusyon, walang puknat na pag-aagawan ng kapangyarihan sa pagitan ng mga partido, patuloy na pagdami ng tamad at tangang Pilipino, patuloy na
pakikipaglaban ng ideolohiyang wala namang silbi. Ang gobyerno ng Pilipinas, saksakan ng dumi at napakabaho. Kaya hindi nakakapagtaka na ang Pilipinas ang isa sa pinakamahirap at corrupt na bansa sa mundo. Kasi lahat sila bulok, lahat sila walang kwenta. Lahat sila sugapa sa kapangyarihan at sa pera.
Isa pang mga grupo ng tao na nakakainis, yung mga aktibista, NPA at kung ano-ano pang ideological political groups. Sabi nila, mahal na mahal nila ang Pilipinas kaya pinagpalalaban nila ang kanilang mga adhikain takot namang lumaban ng harapan at mamatay.
Yung mga magulang naman ay sintido comon lang ang kailangan ng umunlad sa buhay.Hirap na nga kayo sa buhay ang nandadamay pa kayo at paramihan ng lahi.Palibhasa walang mga trabaho at walang pinagkaka-abalahan, kaya nagkakalabitan at nagsusundutan na lang maghapon, magdamag. Sa totoo lang, nakakabilib. Kasi kahit sa ilalim ng tulay o sa kariton lang, nakakabuo pa rin ng bata! Ibig sabihin,
maabilidad ang mga Pinoy. Kung gugustuhin, gagawan ng
paraan. Kahit sa makipot, mabaho at maduming lugar
Sana magkaron ng POLITICAL AND NATIONAL CLEANSING.
mas maganda kung patayin na lang ang lahat ng pulitiko at political families sa puwesto. Tibagin ang lahat ng mapanirang organizations at grupo. Itapon sa malayong isla o kaya i-pwersa ng hard labor ang mga sobrang tamad na mga Pilipino. Ihiwalay ang mga bata sa kanilang mga tamad at tangang magulang upang makapag-aral sila at maturuan na maging mabuting tao at mamamayan. Magkaron ng bagong lider na walang political ties at utang na loob sa kahit sino. At higit sa lahat, dapat tax payers lang ang pwedeng bumoto!
Kung kinakailangang magka-giyera para magtino ang mga Pilipino, ayos lang. Masyado na kasing matigas ang ulo ng mga tao dito. Gusto ng kalayaan, pero hindi naman handang panagutan ang responsibilidad ng pagiging malaya. Meron daw pinaglalaban na prinsipyo at adhikain pero takot namang mamatay para dito.
Hangga¹t hindi nagkakaron ng radical change, patuloy na walang kwenta ang Pilipinas at patuloy na magiging tanga ang majority ng mga Pilipino. Sa dami ng nag-mi-migrate na Pilipino sa ibang bansa, dadating ang panahon na minority na lang ng
population sa Pilipinas ang may utak. Yung mga magagaling na Pilipino, malamang maubos na. Di bale ilang taon na lang ay aalis na rin ako sa Pilipinas lumabas na ang petition ko at mag-aasawa na ako ng ibang lahi kahit na pangit basta’t guapo at mayaman na forenger.Wala kong balak na magkaron ng pamilya sa isang bansa na hindi pinapahalagahan ang kontribusyon ng mga taongtunay na bumubuhay dito. Kawawa naman ang magiging anak ko kung dito sya mabubuhay at magtutulak ng kariton kapag ako ay mamatay.
Tuwing nakikita ko ang payslip ko, nag-iinit ang
ulo ko at gusto kong mag piket mag-isa sa inis. Napakalaki ng tax na binabawas sa akin pero ginagamit lang sa walang
kwentang bagay ang perang pinaghirapan ko. Lahat ng pagtitipid ginagawa ko para suportahan ang sarili ko,pamilya ko at ang punyetang bansang to.Ni hindi ako makabili ng chicken and spaghetti meal sa Jollibee kahit gutom na gutom na ko. Nag-tya-tyaga ako sa waffle o kaya pag may konting pera, junior bola-bola siopao Eh kung yung pera ko na pinapangbabayad sa tax sa kin na lang napunta, eh di sana nakakapanood pa ko ng sine at least 2 beses sa isang buwan. Nakabili na sana ako ng bagong rubber shoes. Nakapagpagawa na sana ako ng sarili kong bahay.
Yung tax na binabayad ko, karamihan nun derecho sa bulsa ng mga corrupt na mga government officials at workers. Habang hirap na hirap akong i-budget ang pera ko, sila naman nagpapakasarap sa mga mansyon. SUV¹s at luxury cars pa ang dina-drive nila, samantalang ako sa pedicab lang sumasakay!
Sawanako,
Sawa na rin ako sa mga Filipino na pansariling interest lang ang tinitignan, walang pakialam sa kapwa, at bayan.
Nakakasawa na ring tignan ang mga Filipinong nagwawalang bahala, sawa nang manindigan at ipaglaban ang kapakanan ng bayan.
Sawa na rin ako sa kahirapan, sa maduming paligid, sa mga pulitikong wala nang ginawa kundi magpayaman habang naghihirap ang bayan. At sawa na rin ako sa mga Filipinong angal ng angal ngunit hindi namang kumikilos.
Sawa na rin ako sa sistemang bulok kung saan ang mga tao ay nakikipagsabwatan pa sa mga corrupt na opisyan ng gobierno at mga kawani makuha lang nila ang kanilang gusto.
Nakakasawa na talaga ang mga nangyayari sa Filipinas, ngunit anong mangyayari sa atin kung isinasara na natin ang ating mga pintuan sa pagbabago.
Wala na bang malasakit ang mga tao sa kanilang bayan? O sikmura muna bago bayan?
Kung natatandaan natin, si Loren Legarda muna ang unang inilarga ng mga Lopezes. Nag-top siya as senator noong 1998 sa tiket ni JDV-GMA. Pwede nating sabihin na-engangyo na rin si Noli de Castro at sapagkat backed up ng mga Lopezes, lumarga as independent for senator dn noong 2001. Napakalaki ng kanyang election headquarters sa kanto ng EDSA at Quezon avenue, halos paanan ng MRT station. Hindi sa pangmamaliit sa kakayahan ni Noli de Castro, sa isang media practitioner na tumakbo bilang independent sa atin, sandamakmak na kadatungan ang kailangan para matakbo ng mahusay ang makinarya sa kampanya.
Magaling ang stratehiya ni Noli. Lumapit kay Erap na noon ay napatalsik na sa pwesto at naging guest candidate siya ng oposisiyon. Kung saan malakas si Erap, nandoon din siya sa entablado pero kung saan medyo tagilid ang oposisyon, solo flight ang kanyang kampanya. Ang katulad niya ay namamangka sa dalawang river.
Nagtop din siya bilang senador at ibinandelang siya ay mananatiling independent. Dumating ang girian para sa 2004 elections. Laban o bawi si GMA at naghahanap ng bise. Natunugan ni Loren na wala siya sa listahan dahil kapwa sila girl, dumistansya at naghagilap ng kakampi sa oposisyon. Si Noli de Csstro ang inilarga ng mga Lopezes at kaagad kinagat ni GMA dahil popular ito at dahil kulang sa kapasidad na bumalikwas para kalabanin siya pagdating ng oras. Wais talaga si GMA.
Sa kasagsagan ng Hello Garci, namiminto nang maging panggulo si Noli dahil umarangkada ang Hyatt 10 at hinihikayat siya ng Wednesday Group na mga senadores na kumalas at talikuran na si GMA at siya ang uupo. Nag meeting pa sa Hongkong sila nina Drilon and company. Naging suspense ang arrive dahil for a while, tahimik si Noli de Castro, baka naghahasa ng bokadora sa acceptance speech. Mamukat-mukat mo’y hindi raw siya tatalikod dahil naniniwala siya sa good governance ni GMA at kinikilala niyang talagng nanalo laban kay FPJ (hindi ng Saipan) kaya nananatili siyang kaalyado.
Bulilyaso ang plano ng Wednesday group at ilang civil society na nagtutulak kay Noli de Cstro. Sa katutulak, sa pinto ng Malakanyang humantong.
Ang sitwasyon ni Noli de Castro noon ay maiihantulad sa kaso ni Romy Neri. Pareho nang nakahandang bumalikwas at kondenahin ang administrasyon pero sa huling sandali, para bagang nabahag. Nawalan ng yagbols at pinili pa ang manatili sa pundilyo ng powers that be para continue the going ang kanilang pamamayagpag at dedma sa mga kaganapan na ang ang administrasyon ay hindi na pinagtitiwalaan ng nakararami base sa survey.
At itong independent speech niya, sa tantya ko ay mistulang isang script na pinabasa sa kanya, walang pinag-iba noong magsimula siya bilang isang news reader sa radio at TV patrol. At bago siya naging newsreader at brodkaster, dyulalay siya ni Rod Navarro sa kanyang radio spot na Lundagin mo Baby.
Ang layo na nang nalundag ni Kabayan. Hindi kaya niya naiisip na baka minsan siya ay makuryente?
Ampaw itong si Noli de Castro.Magaling lang ito kapag mayroon siyang binabasa liban doon nakagarahe na ang utak niya.Hindi ba naiisip ni Noli na kahit na sukdulan na ang galit ng taong bayan kay Bonzai ay nagdadalawang isip silang mag-alsa dahil laging sumasagi sa kaisipan ng tao ang madalas niyang sinasabi na ayun daw sa Saligang Batas na siya ang hahalili kapg napatalsik ang Reyna ng Mandurukot sa palasyo.Insultong karnal kay De Castro iyan na ayaw kumilos dahil nag-aalala silang sumakay sa kanya dahil hindi siya marunong magmaneho.
Itong mensahi niya ng nakaraang araw ng kalayaan ay walang saysay at nagsayang lang ng laway,Sino bang mga burgista ang pinatatamaan niya na salot sa bayan,wala man lang na pumalakpak sa talumapati niya dahil nakakaintindi ang mga miron,pinagtawanan lang nila siya.Siguro kung sa Smokey Mountain siya nagtalumpati ng ganyan ay magsisigawan pa sila lalo na kung may baon siya isang supot ng pandesal.Iyang klaseng tao ba na gusto na naman ng mga Pilipino na maging presidenti? Ibobpto ko na lang ang Kaibigan kong si Badong kung tatakbo siya sa pagkapangulo,sasamahan ko pa siya na mangumpanya kahit magpipidal lang kami at magbaon ng camote,at least si Badong ay napapakinabangan ko at karamay kong lagi at lagi naming kinakanta ang “Remember Me”
Joeseg sang-ayon ako sa lahat ng sinabi mo kay De Castro.Despensa mi! kung hindi ko nasagot ang paala-ala mo sa akin kahapon na mag-iingat sa pagkumpuni ng bubungan,may dumating kasi akong bisita at nagpapagawa na naman ng kaunting repair sa kanilang bahay,nagkasundo kami at madadagdagan na naman ang maipadala kay misis kahit matagal na akong nagdududa sa kanya,dinadalasan ko na lang ang shampoo.
FPJ
Kay tagal mong nawala,akala ko ay nakidnap ka na ng mga Abu Saya.Mag-iingat ka sa pag akyat sa bubungan dahil ganyan ang ikinamatay ni Beltran,nahulog sa bubungan.Ang ipinapanalangin ko kung may mahulog man galing sa bubungan namin ay sako-sakong ginto at diamante na dahil matagal na akong nagbibigay ng abuloy kay Villarde at nangako siya sa akin na magiging hundred folds ang magiging balik ng grasya.Niloloko na yata ako ni Mike nito dahil hanga ngayon ay wala pang nahuhulog galing sa langiy para sa akin.Marami pa naman akong nakahandang payong dito,huwag sasabihin sa aking ni Mike na mali ang kulay ng payong na pinapansalo ko dahil lahat ng kulay ay mayroon ako,ang bumubuhos lang na galing sa langit na para sa akin ay ulan.
Tama kayo sa pananaw ninyo kay Kabayan.Lahat ng nangagaling sa bibig niyang mga pananalita ay binabasa niya,kaya inutusan siya ni Arroyo noon at sinabi sa kanya na basahin sa publiko ang sinulat ni Luli, sumunod naman ang gago.
Kuya Greggy,
May mga nagsasabi na si kabayan ay highly scripted person kaya madaling daw bulungan lalo na kung ang kanyang director ay taga Malacanang.
At kung ano ang bulong, iyon ang sasabihin. Perception ito ng marami at gusto ko ring maniwala unless he proves me wrong.
Sabi nga ni nanay chi, iwas pusoy kung kanino siya panig.
In other word ampaw itong si Noli gaya ng nasabi ni kaibigang FPJ.
Sa ganang akin naman, wala pang napapatunayan si kabayan maliban lang sa mga maliliit niyang achievement.
May mga kinatatakutan din iyan gaya ng nasabi ni Ramona, kung ano man iyon tiyak na alam at hawak ng mga nakapaligid sa kanya kaya hindi ito makagalaw ng malaya.
Kailan lang ay may balitang bumili siya ng mansion para sa kanyang kabit. Marami din mga mamahaling sasakyan na nakaparada sa kanyang garahe dahil hilig niya ang mamahaling sasakyan. Marami pang mga lihim na katarantaduhan iyang si Kabayan.
Katumbas lang ng chiwawa itong si Noli,sabi nga ni kuya joeseg,too much growl no bite.Ewan ko ba bakit maraming bumoto sa kanya,sa aking palagay ay marami na talagang mga tanga sa Pilipinas sukat ba naman na iboboto ng mga tao ang katulad niya at ni Lito Lapid.Dapat para matigil na ang ganitong sistema ay kailangan ng malawakang bakunahan para hindi na sila mahawa sa katangahan.
At balak pang tumakbo sa 2010 uli si Lito Lapid sa ticket ni GMA. Nilampaso na nga sa Makati at inutil sa Senado, kapal muks pa na tatakbo uli.
Itong 2007 elections ay nasaksihan natin ang pag-iiba ng ihip ng hangin tungkol sa pagtangkilik sa mga artista. Mandin ay namulat na ang marami nating kababayan na hindi komo celebrities ay dapat iboto. Biglang nawala ang ningning ng mga bituin na katulad ni Cesar Montano at Richard Gomez na kapwa kumandidato pagka senador at katulad nang binanggit ni Artsee, walang binatbat ang pagka action star ni Lito Lapid na kung saan ay hindi gumana ang kanyang galing agimat sa pelikula at bagkus ay dinapurak ni Jojo Binay at inulublub sa putikan sa kanilang tunggalian sa pagka alkalde ng Makati.
Ang pananalo ni Sen. Trillanes na bagaman at nakakulong, baguhan sa pulitika at walang organisasyon ay isang patunay na ang mga botante ay namulat na ang mata kung sino ang karapat-dapat pagkalooban ng pagtitiwala sa pamamagitan ng kanilang mahalagang halal.
Ang mga celebrities na maghahangad na muling sumabak sa susunod na eleksiyon ay malamang magiisip ng makailang beses sa kanilang tsansa sa gitna ng pagkadapa at pagpulot sa kangkungan ng kanilang kapwa artista noong isang taon.
At lalong lalo na ang mga nakasabit sa pundilyo ng administrasyon sa panahong ito. Kahit mangalandakan sila ng pera na bayong-bayong. Kahit patuloy silang mag-dole out pambayad ng kuryente at kung ano-ano pang pakulo. Tiyak tatanggapin ng mga tao ang kanilang ipamumudmod na datung kasabay ang assurance na ayos na ang boto-boto. Pagtalikod nila, susmalosep, hindi sila iboboto. Yan ang masaklap na karanasan nina Chavit Singson, Pechay, Raffy Recto, Mike Defensor, Tito Sotto, Aquino Oreta na pawang kampon ni gloria.
Hindi lang milyones kundi bilyones na pera ang pinakawalan, umuwi pa ring luhaan!
At sa pagsasanib ng Kampi at Laban, nagmukhang kawawa at dinapurak ang kalagayan ni Kabayan Noli de Castro. Sa dahilang hindi siya official member ng alinman sa dalawang partido at kung ngayon pa lamang sa mag-a-apply ng membersip, he can’t claim on the equity of the incumbent.
Sa aking pananaw, sa mga sinambit nya sa kanyang Independence Day speech, para na ring pinutol niya ang whatever tie that binds him with the Lopezes. Naunahan pa siya ni Loren Legarda na mag-issue ng statement tungkol sa paglaya ni Ces Drilon over DZMM na kung saan ay dating newsreader si Noli de Castro sa Magandang Umaga, Bayan!
Narito pa rin tayo kay Noli de Castro at ibig kong bigyan pansin ang paglaya ni Ces Drilon.
From ABS-CBN, it says: Legarda asked by network execs to help free ABS-CBN crew
Senator Loren Legarda said Wednesday she was asked by ABS-CBN News and Current Affairs executives to help secure the release the ABS-CBN crew kidnapped in Sulu.
Bakit hindi si Noli de Castro ang tinawagan samantalang bilang vice president, he has more clout to be in the midst of the kidnapping crisis? Sa aking opinyon, there’s already a crack in Noli’s sticking to gloria that could be gleaned from the Independence Day speech as per our topic.
I mean, there’s already a crack in Noli’s relationship with the Lopezez. There’s now a perceived wind of change and perhaps, Loren Legarda, with her role, whatever it is, in the release of Ces Drilon, Noli is now cooling his heels outside the Lopezez corridor of power.
Based on the news reports, it appear now that Loren Legarda was directly communicating with the kidnappers thru the phone with the speaker phone on as they conversed.
Imagine now if it was Noli de Castro talking to the kidnappers. Because the exchanges are impromptu and there’s no script to read, we only shudder of the grim thought of what may be the outcome with Noli de Castro fumbling to perdition.
Ang ipinagtataka ko lang eh bakit laging si Loren Legarda ang may papel sa paglaya ng mga hostage as Mindanao? Anong meroon si Legarda na hindi natin alam? Tungkol naman kay Noli, dapat niyang malaman na malaki ang utang na loob niya sa mga Lopez sa pagsuporta sa kanya bilang Bise. Sa atin mga Pinoy, sinusumpa ang mga taong walang utang na loob.
Noli walang puwang sa Lakas-Kampi
Pilipino Star Ngayon, Friday, June 20, 2008
Hindi maaaring maging standard bearer ng Lakas-Kampi si Vice Pres. Noli de Castro sa 2010 presidential elections sakaling magdesisyon itong tumakbong presidente ng bansa.
Nilinaw ni Sen. Juan Miguel Zubiri, secretary general ng Lakas, na hindi pwedeng maging standard bearer nila si de Castro dahil hindi naman ito kaanib ng kanilang partido.
Ayon kay Zubiri, posible pang maging standard bearer ng partido sina Quezon City Mayor Sonny Belmonte at Metro Manila Development Authority Chairman Bayani Fernando. Maganda aniya ang naging resulta ng pamamalakad nina Belmonte at Fernando kaya nararapat na maging Pangulo ng bansa ang sinuman sa kanila.
Nilinaw pa ni Zubiri na hindi nila kailangan sa nga yon si VP de Castro dahil marami naman sa kanilang mga “home grown talent” ang may kakayahan para manalo bilang Pangulo ng bansa. (Malou Escudero)
Joeseg,
Inilaglag na talaga ni Pandak si Kabayan dahil alam nila na wala siyang tsansa na manalo.Kawawang Noli,may balak palang maging presidenti ay hindi niya sinamantala ang pagkakataon noon ng kasagsagan ng “Hilo Garsi”.Ano ang gagawin niya ngayon balik uli siya sa mga Lopez?
Hindi na kailangan ni GMA si Noli dahil tapos na ang termino niya sa 2010.
Mabuti nga kay Noli,iyan ang napala niya,sa susunod kahit na senador ay hindi na mananalo iyan.Lumublob na siya sa kumunoy at hindi na siya makaahon.
Eh ano…malaki na ang kinita ni Noli at kaya nang magretiro ng maginhawa.
KAY KABAYAN KAMI SA 2010
“KAY KABAYAN KAMI SA 2010”
SI Noli ang tunay na maka masa! KAbayan sa 2010!