TIYAK, MAAALALA MO ANG PANAHON NA…
1.Pogi ka kung kasama sa porma mo ang Sperry Topsiders, K-Swiss, Espadrilles(na pinilahan mo pa sa Whistle Stop o sa Cash and Carry), Tretorn or Dragonfly sneakers, white Spartan sneakers, argyle socks, woven leather belts, Chaser,
Lacoste, Ralph Lauren at iba pa, one-size-fits-all Hanes T-shirt with the print of your favorite New Wave band,pabangong Chaps, Bowling Green, Gray Flannel or Kouros, Denman brushes, Dippity Do or Dep hair gel, Bermuda shorts worn with plaid long-sleeves.
2. Macho ka kung ang porma mo ay parang kay Don Johnson ng Miami Vice at kung naglalaro ka ng football o nag-aaral ka ng tae-kwon-do or marunong mag butterfly kick tulad ni Ralph Macchio sa Karate Kid. Sobrang macho ka kung may pandesal ka sa tiyan habang nakasuot ng hanging shirt.
3.Pretty ka kung meron kang pencil-cut skirt (calf-length, three to four inches above the ankle), pabangong Nenuco o De Ne Nes, permed hair a la Madonna or teased bangs na pinatigas ng Aquanet, shoulder pads ala Joan Collin a.k.a. Alexis Carrington in Dynasty), Benetton shirt, Esprit outfit at namimili ka ng gamit sa Sari-Sari, Tokyo Hannah, Tickles and Regina’s in Shoppesville.
4. “In” na “in” ka kung napuntahan mo ang mga concerts nina Mike Francis, Swing Out Sisters, Menudo, Earth, Wind and Fire, James Ingram, Genesis noong unang punta pa lang nila dito sa Pilipinas.
5. Sosyal ka kung malimit ka sa Jazz Rhythm & Booze at kumakain ka sa Cafe Isabel, Bistro Burgos, Dean Street Cafe, Angelino’s and East St. Lois, Cosmo and Kudo’s at nag-babakasyon ka sa Matabungkay Beach Club o Baguio Country Club.
6. Wala pang videoke kundi karaoke.
7. Ang preso lang may tattoo.
8. Akala mo’y magkakatuluyan sina Ate Shena at Kuya Bodjie.
9. Ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud.
10. Na-tsismis na bulati ang beef patty ng Jollibee.
11. Kinilig ka nang malaman mong ikakasal si Pops at si Martin.
12. Piso lang ang isang basong taho at kailangan mong magdala ngsarili mong baso kasi wala pang plastic cups no’n si manong magtataho.
13. Lechon Manok pa ang pinag lilihihan ng taumbayan.
14. Tarzan, Jojo, Bazooka Joe, Clover bits at Tootsie Roll ang pinagkakagastusan mo ng mga beintesinko mo.
15. Nagkakakalyo ka dahil typewriter pa ang ginagamit mo para sa mga school paper mo…kaya bentang-benta pa ang carbon paper at liquid paper.
16. Sa Ortigas Center ka tinuturuang magmaneho kasi puro talahib pa yon no’n.
17. Cool ang bumati sa iyong crush sa FM radio.
18. May mascot pa ang 99.5 RT na binebenta sa Gift Gate.
19. Baduy pa noon si Lea Salonga dahil sa That’s Entertainment.
20. Iniisip mong dapat mag-retire na si Jaworski dahil kuwarenta na siya.
21. Egoy na egoy pa si Michael Jackson.
22. Si Harry Gasser ang newscaster ng bayan.
23. Kay Amado Pineda ka lang naniniwala pag ukol sa panahon ang balita.
24. Sintonado pa ang Eraserheads habang nag-ja-jamming sa Club Dredd.
25. Tinuruan kang mag-toning ng iyong nanay dahil kay Johnny Midnite.
26. Naglalagay ka ng pyramid sa tabi ng iyong
unan para good vibes.
27. Nilalagyan mo ng watch-guard ang iyong Swatch.
28. Herbert Bautista was a campus politician.
29. P18 to $1 ang palitan sa black market.
30. May black market pa noon.
31. llegal pa ang mga paputok.
32. Ang paborito mong tsokolate ay Chocnut at Mallows.
33. Drag race sa Greenhills at Corinthians.
34. Kumain sa Burger machine o sa Goodahhhh ng madaling araw.
35. Dalawang piso lang ang Chippy at solong Coke.
Maganda ang showdown ng balagtasan nina Pareng Magno at Greggy doon sa topic na filipino diaspora.
Si Kutsara ang referee nila.Nood ako.
PareCoy,
Ang layo na pala ang nilakbay ng ating pananalapi. From P18 to a dollar, umabot hanggang P56 at ngayon ay P40, pag sinasama, mas mababa pa. Pero noong P18 ang isang dolyar, parang hindi ko naramdaman. Hindi pa kasi nakakakita kung anong hitsura ng dolyar.
Di ba yong DEP, pang pa porma ng buhok dahil kahit kelots, kailangan palaging may dalang suklay?
Kung maala-ala ko pa,ito yung panahon ng mga Battle Of The Bands ng Abrakadabra,Imelda Papin,Kung liligaya ka sa Piling ng iba,at ang konsierto ni Rico Puno sa greyhound racetrack ng Guam na mga pangarerang aso ang nanood, Maria Cafra, Pepe Smith, Juan Dela Cruz Band,…ito yata yung panahon ng mga JEPROKS…na ang mga bagito ay naka Mother’s na Bag…Apple Cut ang mga Horokborok (Buhok)…
Nagkalat ang mga Tiyongke at mga Mogs (Mogadon) at Ekis Pinoy at Madalas ang Rambulan ng Sigue Sigue Sputnik at ng Bahala Na Gang sa Gapo dahil nag-aagawn sa pag-isnatch ng relo sa may stasyon ng Victory.
Uso ang panaan at rabbit at molotov sa metro manila….sikat rin ang fraternity na Magic 5 sa mga Lespu (parak)…
Sa probinsya naman namin ay nauso ang pagsinghot ng de rolyo at malalayo pa ang mga kapitbahay na gawa sa sawali at nipa…ramdam na ramdam pa noon ang probinsya dahil kapag Manila boy ka ay sikat ka.lalo na kung may pasayaw sa gabi at marunong kang mag-bogie at salsa pangit man at maganda ay kasayaw ka. bibihira pa ang may Lacoste, Ralph Lauren,ipinapatahi sa satre na may pekeng itikita sa sinturera.
Noong panahong yan, nasa lalawigan kami at nasa malayong nayon kung saan uso ang ikinabubuhay at pagtatanim at pangingisda.
Minsan akong nagamit ng DEP dahil mayroong galing Menila at maganda raw yong kaysa sa pomadang nabibiling tingi sa halagang 10 centavos na nakabalot sa cellophane. Ang kamiseta namin na nabili sa bayan ay kinulayan mula sa dagta ng mangrove trees para tumibay. Kapag umulan, ang pamandong namin ay dahon ng anahaw at kung magkakape, magsasangag ng bigay at siyang ilalaga.
Akala naming nasa probinsiya, ang ginto ay nagkalat sa lansangan sa Menila at inggit kami kapag may isang kaibigan o kamaganak na nakaluwas dahil kahit ilang araw lang, may puntong Menila na. Lumalagapak na ‘nang putsa naman eh!
Padi;
Hehehe! Mabuti at hindi ka nag pomada ng ilang-ilang at 3 brothers.Mabantot at dumutistansya ang kausap na nililigawan.
Sabagay mas maigi ang buhay ng Pinoy noong dekada 80 kahit na 18 lang ang palitan at mura ang bilihin.40 nga ang palitan ngayon halos limang doble naman ang bilihin na dati ay dalawang piso ang coke,ngayon ata ay 25 na.
Aalis na raw kami,at ihahatid ko muna ang dalawang investment ko sa dorm.
Sino ba si Ate Shena at Kuya Bodjie?
Pareng Cocoy,
Ibinalik mo pa ang nakaraan sa decada ’80. Naalaala ko tuloy ang paglalagare ko sa PWU at St. Paul College para ihatid ang mga dilag na tinutulaan at hinahara na ko noo. Sa kasawiaang palad pare nagawi tayo sa UP PGH kaya dto tayo nabingwit. It’s a good decision dahil ang dilag na humarang sa aking puso ay forever faithful and still sexy. Iyong dalawa kung kumare, still available at nagpapatugtog pa rin ng Imelda Papin “Kung Liligaya Ka… ” tuwing 4rth of July.
At saka noong araw masarap tumambay sa Harison Plaza habang naghahalo-halo kayo ng kasama mong nakashort every Saturday. Sandali lang at may kumukurot sa akin….
wala na ako.. umalis ako at hindi pa kayo ipinanganak..ang palitan ay 2 pisos to $1..kaya ang baon ko naipidala ng kapatid ko ay $200 lang & fly now pay later ang pamasahe..ngayon hindi na makabili ng pandesal ang dalawang piso, hopia at true orange kaya sa Echague?
Rose,
2 to 1, ang sarap pala ng buhay nun!
Meron pa bang nabibili ngayon ang P2? E ang balita ko ay P2.50 na ang isang maliit na pandesal. Ang pop cola na peborit ng tatay ko ay P25 yata. Santisima!
Nasa bulsa lahat ni Guriang Korap ang pera!
Rose,
Nandoon pa rin ang bilihan ng hopia sa Echague, kanto ng Villalobos, malapi sa Quiapo church. P5 isang piraso at ang Pop Cola naman, dahil maliit na botelya, P9 pag malamig.
Kapitan Kidlat
Magaganda ang mga kolehiyala dyan sa St. Paul College at PWU. Mga anong taon yang naglalagare ka dyan at bakit ka sa PGH nakabingwit eh nasa pagitan yon? Kahit papaano, malaki ang improvement ng PGH kumpara noong 80s.
Manay Chi
Hindi ko kilala si Shena pero itong si Bodjie, magaling na stage actor yan at noong magkaroon ng Sesame Street sa Pilipinas produced in Pilipino, siya bale ang main character na bilang guro na sumasayaw at kumakanta.
Kapitan Kidlat
Sorry, natanong ko pa kung anong taon ka naglalagare, 80s nga pala ang usapan. At hanggang Harrison Plaza pala ang rota mo tabi ng Century Park Hotel, tapat ng Rizal Memorial Coliseum. Marami pa ring nangungurot doon kaya lang, kailangang kilatisin munang mabuti dahil akala natin ay pagkagandang bebot, bading pala!
Ang buhay noon 1980 at ang buhay ngayon ng mayaman at mahirap ay walang nabago:
Kung mayaman ka, meron kang “allergy”; kung mahirap ka, ang tawag dyan ay “galis”.
Sa mahirap, “sira ang ulo”; sa mayaman, “nervous breakdown” dahil sa “tension and stress”.
Sa mayamang “malikot ang kamay” ang tawag ay “kleptomaniac”; sa mahirap, ang tawag dito ay “magnanakaw”.
Pag mayaman ka, you’re “eccentric”; kung mahirap ka, “may toyo ka sa ulo”.
Kung mahirap ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay “nalipasan ng gutom”, kung mayaman ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may “migraine”.
Kung mahirap ka, ikaw ay “kuba”, pero kung mayaman ka, you are referred to as someone who is “scoliotic”.
Kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay “ita” o “negrita” o “baluga”, pero ang senorita mo kahit kasingkulay mo, ang tawag ay “morena”.
Kung nasa high society ka, you are approvingly called “slender” or “balingkinitan”; kung mahirap ka lang, you are plainly called “payatot” o “patpatin” o “ting-ting”.
Kung nasa high society ka pa rin at ikaw ay maliit, ang tawag sa iyo ay “petite”; kung mahirap ka lang, ikaw ay “pandak” o “bansot”.
“Malandi” ka kung isa kang dukhang alembong; pero kung mayaman kayo, ang tawag sa iyo ay “liberated”.
Ang anak ng mayaman ay “slow learner’; ang equivalent na anak ng mahirap ay “bobo” o “gung-gong”.
Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter your host who says “masarap kang kumain, and I like you, you do justice to my cooking”; kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your host will say to himself or herself na ikaw ay “patay-gutom”!
Nandoon pa ba ang Cinerama, Ma Mon Luk, at karinderia sa Central Market na naghahatakan pa sa pagyaya na doon kumain sa kanila..
At kung taga Iloilo City ka..nandoon pa ba ang Mommy’s Halo halo sa Mercado?
Kaya ko naitanong..off limits ang mga ito for us noon kasi hindi daw sanitary sabi ng tatay ko pero mas masarap ang binabawal, hindi ba? in whatever shapes and forms…
Joseg: I have been home a few times, pero hindi ako naka punta sa area na iyon..kasi from Proj.4 parang ang layo layo..ang gusto kung puntahan ay Sa Ilalim ng Tulay..sa bandang Escolta naman
(buhay pa ba?) ang Donuts Coffee Shop sa Plaza Moraga..
ano ba ito?
walang katapusang pag-a-anatalia ni pareng cocoy?
kunsabagay, ansarap naman talagang alalahanin ang mga masasayang nakaraan.
analgesic talaga!
joeseg,
may nabunggo akong bebot sa pagitan ng PWU at St. Paul. Lumabo ata ang paningin ko at dating ng bebot sa akin ay si Maganda. Nakahihigit ng tatlong paligo iyong bebot na iyon, tisayin at may kataasan ang IQ. Pare sa IQ ako nabingwit. Biro lang baka lapirotin na naman ang aking tainga. Sa atin atin lang, iyong nakashorts pare mga kumare ko iyon from PWU at SPC. Isa sa kanila ang ipinakilala kong “cousin.” Pero wala naman akong naging problema sa kanila, pare ko, dahil noong araw hubog tayo sa pangaral at sa kaugaliang Pinoy, “no touch.”
kapitan,
sa may plaza del carmen ay iba naman ang trip ng tropa kong mga pinsan at pamangkin. ewan ba kung dala ng kapilyuhan o nagpapansin, kapag merong tsikas na naglalakad, mga istyudent ng QI este MLQU pala at baste, ang birada namin ay “pangit talaga kapag ang naglalakad ay bukas ang butones o siper sa harap.” hindi naman nagagalit ang mga bebot kundi ngumingiti habang ineeksamin ang kanilang mga “harap” sabay balibag ng kung ano mang hawak sa amin.
Dito muna ako at magkakape. Tumaas ng husto ang presyon ko sa kabila dahil kay cardinal Ricardo Vidal ng Cebu.
Buti na lang at nandito si Ka Simon, pinatawa ako.
Ka Simon, your post is soooo funny!
Kung mayaman ang lumalamon: you are “masarap kumain” ; kung mahirap, you are “patay gutom”. Ha!ha!ha! Ang sakit tumawa!
KapKidlat
Sama akong lima sa sinabi mong “no touch” noong araw. Yon talaga ang isang kaugalian nating mga Pinoy, no touch (pag may nakatingin). Naaala ko, kwentuhan namin noong high school, palibhasa sa bundok ako nag-aral, kaya raw no touch sa bebot noon, baka mabuntis. At pag nabuntis mo ang bebot, lagot ka! Kaya noon, kahit daliri ng bebot takot kaming humawak kahit allowed dahil kasali sa folk dance, yong may tiempong magkahawak sa kamay. Kilig na kilig na sa excitement at sa takot.
Teka, baka itong kwento ko, noon pa panahon ng kastila uso, nasa 80s nga pala tayo. Ito kasing si PareCoy, kung ano-ano ang pinagkakalat dito. Pero OK lang, masarap pag-usapan ang mga nakaraan at makikinig na lang kaming mga bata.
Manay Chi
Tataas talaga ang high blood mo kapag ang topic ay tungkol sa pulitika at sa mga ikinikilos ng kaparian.
Nagdeskanso muna ako sa usapang pulitika matapos ang mahirap na kampanya para kay Sen. Trillanes na kung saan, nilandas natin ang kaparangan at kabundukan para maiparating ang adhikain ng isang taong nakakulong. Nagtagumpay naman tayo.
Gusto ko mang makisali sa mga usapan sa Ellenville, dito na lang muna ako sa ating bagong lungga. Pero hindi yon nangangahulugan na suko na ako sa “si gloria ang isyu”. Patuloy pa rin ako at ang aming grupo, yong walang ingay. Sa takbo ng kaisipan ni gloria at kanyang alipores, nakabalandra agad sila sa mga nagiingay. Sa mga blogs, nakatutok sila lalo na sa Ellenville dahil matindi ang dating ng mga panulat ni Ellen T, sa totoo lang.
Kasamang Magno,
Mga parinig nga lang pero tumatalab. Baka nakatingin din ang mga bebot kung bukas ang mga zipper na inyong pantalon? Ang tutuoo sa mga panahon na iyon ay may kaunting haplos pa sa pagka-Maria Clara ang mga Pinay. Sa mga panahon na iyon ay hindi pa uso ang naglalakihang bumper at pagpapalaki ng boobs. Legs lang ang pilit na sinisipat he-he…
joe,
Mahirap talaga ang maka-iskor noong araw, may sampal ka pang matitikman kapag nagnakaw ka ng halik. Sa kalaunan ay kurot na lang. Tutoo ang sinabi mo na makahawak ka lang ng kamay ng bebot ay isang linggo mong di huhugasan ang kamay na iyan. At saka panay ang pasyal natin noon sa mga book store para bumili ng mga cards o linen paper para padalhan ng mensahe ang ating mga minamahal. Ngayon text na lang at saka e-mail. Mas personal ang ligawan noon bro di ba, iyon bang tipong naka poste ka lagi na parang sikyu? Ewan ko sa mga ibang kelots kung super bilis sila sa mga chics, ako kasi ay medyo conservative kuno, isang probinsiyanong nagpapanggap noon na Manila boy pero madalas nabubuking sa kabaduyan. Iyong nga lang medyo hawig tayo kay Paquito Diaz kaya lapitin ng mga chics he-he-he. (kinatatakotan po).
Kapatid na Chi,
Napansin ko nga mukhang puro mga high power na ang pumuputok doon dahil sa sobrang galit kay Cardinal V. Ceasefire muna, baka puweding makahingi ice tea kay pareng Cocoy pampalamig ng ulo.
Ang sarap naman ng kuwentuhan ninyo dito.
Ayan umamin si KapitanKidlat na terror pala sa chicks may katropa na kami ni Pareng Joeseg at pareng Magno.
Kapitan kumpare,hayaan mo ipagtimpla kita ng kape na kinulayaan ng isang lingong hindi nilabhan na medyas.Hehehehe!
Grabe talaga yang si Cardinal Vidal. Baka related kay Pidal. Tingnan nyo itong isang pangyayari:
Erap to Cardinal Vidal: Cards, hangga ngayon galit pa ang simbahan sa akin. This is unfair!
Cardinal Vidal: Bakit mo naman nasabi yan, Erap?
Erap: Tignan ‘nyo Cards, mayroong Sabado de GLORIA, mayroong Sagrada de CORAZON at mayroon ding Domingo de RAMOS. Bakit ako wala? Naging presidente din naman ako, ah.
Cardinal Vidal: O sige na nga, Erap. Para wala ka nang reklamo, mula ngayon sa iyo na iyang ASS Wednesday!
***
Ganuun na ba katagal ang 80’s? Parang kailan lang mahihinge mo ang talbos ng kamoteng baging o kaya kangkong na pang halo sa sinabawan. Hay buhay wala ng libre sa ngayon kailangan bilhin at nakawin sa kapit bahay ang kamatis na sobrang mahal ngayon. Pati nga ang laman loob ng malulusog na kabataan ay ninanakaw na, swerte na kung iwan ka ng pangbile ng kabaong.
Magbobote;
You are very welcome kaibigan dito sa aming kapehan,welcome na welcome kang makipagkuwentuhan dito.Feel at home.
Magbobote;
Sa hirap ng buhay ngayon at wala ng mahihingi.
May nagpadal sa e-mail ko at ito ang nilalaman;
Enjoy ka muna dito sa pagbati ko sa iyo.Hehehehe!
Green Card Holder
ARAY KO! Ang aking kumpare’y bigatin
At sikat na sikat sa probinsya namin
Nagpunta sa abroad bilang contract worker
Ngayon, resident na’t isang green card holder!
Sa ‘min sa Laguna, ang alam ng bayan,
Sipag at tiyaga ang naging puhunan
Ng aking kumpareng sa biglang tinginan,
May itsura naman, masagwa nga lamang.
Maliit pa siya’y malaon nang ibig
Na maging “citizen” at masabing “U.S.”
Hindi puso – UTAK ang kanyang ginamit…
Nagpakasal siya sa isang imported.
Bilang isang husband, si Pare’y very sweet
At talaga namang napaka-romantic
When they kiss each other, siya pa’y napikit…
Ang misis nya kasi’y saksakan ng pangit!
Totoo iyang kuwentong iyan.From Saipan ang nagpadala sa akin nito.–Ang balakang ng napangasawa niya ay malaki pa sa drum.Hindi siya kasya sa cab ng tricycle.Gusto kasing maging us citizen kahit ang asawa ay talagang doble ang pagkabigatin.Hehehehe!
Salamat sa mainit mong pagtanggap sa akin cocoy826. Ako muna ay mag iikot-ikot upang makahanap ng bote at bakal at kapag akoy kumita na sa pagbobote ay meron na kaming pagsasaluhan ng aking pamilya . Maganda at masarap lahat ang iyong mga paninda siguradong mabubusog ka dito sa “Cocoy’s Delight”. Mabuhay po kayong lahat!
Aha! Thanks for reminding me how old i am .lol.. very fresh pa sya sa aking utak!!
Welcome aboard Miss PinkBiik.Thank you for visiting us. You are always welcome with our open arms.
Magbobote ,MissPinkBiik.
Naala-ala n’yo pa ba na ang major car accessory ay ang musical backup horn,Dig-man ang pinaka-sikat na halo-halo. Bumibili ka ng Vicks candy triangular in shape; regular and kalamansi flavors. Ang mga candy / bubble gum na bilog na ibat-ibang kulay ay lima singko. Yung puro pula na bubble gum ay Cherry Balls. Nakakabili ka ng Greenwich Pizza na kalahati lang, at aliw na aliw ka sa vendo machines na nagdi-dispense ngsoftdrinks sa cup.
Si Bibeth, Mang Tem-I, Miss Tapia, Mary, at si Tonette Macho ang kasama ng TVJ sa Iskul Bukol. Kumpleto pa ang ngipin ni Richie DaHorsie. Nakikipagdebate ka kung sino ang mas magaling: si Officer John Baker o si Officer Frank Puncherelo ng CHIPS.
Inaabangan mo kung ano ang ggawin ng A-Team para makatakas at makabawi sa kalaban nila.
Bagong labas lang ang bakya na rubberized (Happy Feet Brand). Malambot, dahil hindi na kahoy.Uso ang Espadrille na sapatos, Crayon shoes, at Grosby rubbershoes. Bagong labas ang top sider na sapatos, Sperry at Docksides pa lang ang tatak na U.S.Wayfarer (orig o fake) ang shades mo; feeling Don Johnson, Remington Steel, o Madonna.
Ang Walkman ay halos kalahati ng laki ng AM radio. Malaki rin ang Cassette/ radio player; mga galing Saudi. Ang pinapatugtog mo ay mga pirated tapes na may lyric sheet pero mali-mali ang lyrics. Kapag 25c ang ibinigay mo sa mga nangangaroling na bata eh hindi ka kakantahan ng Thank you, thank you, ang babarat ninyo, thank you.
Cloverleaf ang usong term, at hindi flyover. Singko lang ang isang fishball. Wala pang Squid ball o Kikiam. Magaling ka sa Math kasi mayroon kang matabang ballpen na may built-in multiplication table na iniikot, at ballpen na napakaraming option sa kulay ng tinta, karamihan naman ay hindi Makita o tuyo na.
Uso ang Texas bubble gum na kahit anong gawin mo ay hindi maalis sa buhok mo pag nadikit.
Sikat ang Gusto Root Beer, Sunta & Mirinda Orange, RC Cola, and Sarsi with egg (with Danny Vanni-masarap na, masustansya pa!)Pinapanood mo ang patalastas na Caronia Nail Polish with the 4-sexy girls sa TV.
Inaabangan mo tuwing Linggo ang music videos on VH1 or Video Hit Parade (wala pang MTV sa Pinas) before noon, followed by Spin-A-Win at lunch time (Jean Young), and Lovingly Yours (Helen Vela – Channel 7). The Happy Days, Electrawoman, and Dyna Girl (Channel 9) in the early afternoon; and Superstar (Nora Aunor and German Moreno Channel 9) at dinner time. Then capping it all off with Marvelous Golden Movies (MGM).
You had a 2-peso Bill (blue color) in your wallet. Puro ganoon pa ang binibigay ng lolo/lola tuwing Pasko.
Ang piso na dirty ice cream ay yung matamis na apa na ang ginagamit at maraming scoops, minsan may chocolate dip pa. Hayyy!! Bring your own baso sa iskrambol, hindi parin uso ang powdered milk at chocolate syrup.
Ang standard greeting ay Give me five!na nag-evolved into Appear!
Biggest name in ice cream ay Magnolia kaya inaabangan mo ang susunod na Flavor of the Month. Papel lang ang ballot ng mga frozen delights, hindi pa foil, except yung vanilla Ice Cream Wafer Sandwitch nila. May Sundae sila na tinatanggal ang top cover at nilalagay sa ilalim para maging base.
Ang Christmas package na inuuwi ng magulang mo ay may kasamang malaking keso de bola at hilaw na Chinese Ham (buong leg na nakabalot ng Craft at plastic na net na kulay pula).
Naabutan mo ang Love Bus (the only aircon public bus), JD (red and black), MCL (Blue and Yellow), DM (white and blue) bus lines. Pati narin yung bus sa Quiapo na walang pinto pero open yung isang side. Dito raw natutong mag-stuntman si Lito Lapid.
Pumupunta ka sa music store para tumingin ng LPs, 45, at Jingle Magazine o Songhits. Pwede mo lang pakinggan ang plaka kung bibilhin mo na talaga.
Ang bakla lang sa showbiz ay si Georgie Quizon (utol ni Dolphy) and Sandy Garcia (mestisohin na may bigote, kulot ang buhok, at balbunin).
Nagkakabuhol-buhol ang cord ng remote control ng Betamax ninyo dahil maghapon kang nanonood. Break mo lang ay para kumain, mag-CR, at para lumamig uli ang Betamax unit. Madali pang dumumi ang head kasi hindi pa uso ang rewinder. Kung mayroon man kayo eh one way lang siya, rewinding lang, wala pang option na forward.
Royco Chicken Noodle Alphabet Soup ang kinakain mo pag nilalagnat ka, tapos hahaluan mo pa ng dinurog na Skyflakes.
Kilala mo ang tawa ni Bert Tawa Marcelo. P50 daw ang talent fee niya bawat tawa.
Sumasakay ka sa jeepney na puro kabayo ang hood, tadtad ng mahahabang antenna, at halos natakpan na ang windshield ng 8-track tapes.
You watch movies at Cinerama sa kanto ng Recto and Quezon Blvd. (Isetan na ngayon), Delta and Circle Theater sa Timog Ave., and Quezon Ave., Rizal Theater sa Makati (Shangri-La Hotel na ngayon), and Magallanes Theater (giniba na). Lahat ng waiter sa Shakey†Pizza Parlor ay may suot na styropore na sumbrero (yellow, with red strip of paper where Shakey is printed). May mini version din sila para sa dulo ng antenna ng radyo o TV. Panonoorin mo pa kung paano ginagwa ang pizza sa viewing window nila.
You are home by 12 midnight dahil may curfew kasi ng Martial Law. Sa Quiapo at Binondo pa pupunta para makabili ng talagang masarap na hopya. Tapos shopping ka na sa Good Earth Emporium sa Sta.Cruz (Uniwide na ngayon) and be amazed by their candy selection on trays in a conveyor-belt type of machine. Naabutan mo ang Maalikaya when it first opened. When it was raided and closed. When it was re-opened. When it was raided and closed. When it was opened again. When it was raided and closed again. When it was opened again. When they raided and closed it again.Na isa kang regular customer at nagantimpalaan ka ng rose galing vietnam.
Meron pa ba kayong naaalala Ang sarap balikan ng nakaraan no,Namamasyal sa luneta ng walang pera.Hehehehe!
Where was I in the 8O’s?! Bakit ang dami ninyong kwento at memories? Have I lapsed of memory or nothing important for me happened in the 8O’s that worth remembering? Killjoy ko pala sa sarili ko noon….waaaaaaaaaaaaaaa!!!!
Pareng Cocoy,
Okay lang basta ang medyas ay tatak Pakyaw. Siguro nga we have something in common with pareng Joe and Magno pag dating sa mga magaganda at sexy na bebots. Lahat tayo ay nagiging makata, hindi maampat ang pag-agos ng mga matatamis na salita sa namumutawi sa ating mga bibig at dila. Sino ba tayo na hindi marunong magappreciate ng kagandahan ng paligid. “If eyes are made for seeing, then beauty exist for being…”
Tulang Kidlat
Ano at di ka nagsasalita
Sa kagandahan nabighani ka ba?
Gumising ka kaibigan
baka mabangga ka pa
ng humaharurut na jeepney
sa katitingin mo ng mga tsika.
Si pareng Joe, Magno, at Cocoy
Sa tindig at tayo ay kapansin-pansin
Sino ba sa mga bebot ang hindi mahuhumaling
Kung mangitian sila ng tatlong
prinseping magigiting.
Chi bakit ka kaya nawawala
sa decada otsenta
Baka ang kapanahonan mo ay sa
decada sitenta kung saan ay sikat noon
si Tirso at Nora.
Biro lang kasama baka magalit ka
pero ang decada sitenta
ay punong-puno din ng ala-ala
dito sumikat si Rico J
sa kanyang awiting Buhat
na kung saan ay nag-iwan siya
ng mga matatamis na ala-ala
doon sa makasaysayang Luneta.
Magbobote at MissPinkBiik.
Natutuwa ako ay narito kayo
Sa lungga ni Cocoy na kay sigla
ang talakayan dito ay mabubuking ka
dahil ang edad ay nasusukat yata
Sa mga kuwento ng nagdaang dekada.
Mga kasama nabanggit pa ni pareng Cocoy
Ang tungkol sa Delta and Circle Theatres
at ang antigong Cinerama,
Kung madalas siya sa Good Earth Emporium
upang maglaro ng pin ball at kumain ng Spaghetti at hopia,
Tiyak mga kapatid umatras pa siya
ng mga decada,
baka nasa sitenta (70’s) na
o kaya nasa huling yugto na ng sisenta (60’s) kung saan naging sikat sina Tony Ferrer, Roberto Gonzales, at ang Lagalag na Eddie Fernandez.
Kung hindi man baka sa iba nating mga
kasama, na sanay sa pagsusuot ng double knit
na pantalon at mga parang barkong sapatos.
Pero kung sa gitna kayo ng dekada sitenta
Natutong magsuot ng pantalon,
tiyak na naranasan mo ang unang edition dito
ng levis, tsekered na polo, at katsang blosa
ng mga dalagang passioonista.
Sino kaya sa mga bloggers natin
ang nakaranas magsuot ng mini-skirt
may stocking na fishnet
at pinapasyalan ng mga binatilyong
nakapamada ng tancho tique.
Hanggang dito na lang
baka marami pang magdamdam
dahil sa edad ay nagkakabukingan.
KapitanKidlat,
Mas lalo akong walang natatandaan ng dekada sitenta, magaling lang talaga ako sa blocking. heheh! Karamihan sa significant memories ko ay nangyari sa 9o’s.
Ang tandang-tanda ko lang sa 80’s ay nalulong ako sa taekwondo , theosophical at eastern philosophy, na siya kong post study. Twice a month ay umaakyat rin ako ng Banahaw at nakikipagkwentuhan sa mga Rizalista. Tatlong beses kung narating ang tuktok. Tanda mo ba joeseg na kwento ko sa ‘yo nuon sa ating lumang lungga?
Nagkataon na iba ang daan kong natunguhan kesa sa inyo kaya tuwang-tuwa ako sa inyong mga kwentuhan na parang bago sa akin.
Cocoy,
Spring break ngayon linggo ito. As usual ay nasa bundok kami. Baka ipahanap mo ako sa pulis kung ako ay matagal na mawala.
Happy Easter sa inyongh lahat!
chi;
Pag mawawala ka talaga ay ipahahanap kita sa pulis.Hehehe!
Kapitan,Pinabilib mo ako sa tula mo.Nandito na ata ang magagaling na manunudla,este manunula pala.
Parang gusto kong magpaligsahan tayong lahat dito na katuwaang Balagtasan at gawin nating topic si Gloria na dapat na ba siyang umalis o hindi at idadaan natin sa mga tula.Ano sa palagay ninyo?Masaya ito!
Kapitan Kumpare,Ito pa ang isang tula na padala sa e-mail ko.
IBA TALAGA SA ABROAD
ARAY KO! Tingnan n’yo, ang buhay nga naman
Iyang pag-a-abroad ay sadyang iba raw
Ang tatay kong dati’y magsasaka lamang
Biglang naging “farmer” pagdating sa Saipan!
Bukod sa Ingles na ang kanyang salita
At dollar ang sahod sa ibayong lupa
Siya rin ay isang dakilang alila,
Alipin, utusan, tsimoy na kawawa!
Kaya lang, kaymalas po naming talaga
Kapalaran kaya’y kailan gaganda?
Sa amin, si Tatay, laging walang pera,
Pagdating sa Saipan, butas rin ang bulsa!
Naibenta niya ang aming kalabaw
Naisanla na rin ang lupa at bahay
Nakapangutang pa sa mga kaybigan
Para sa recruiter ay may mailagay.
Sabi n’ya kay Nanay, konting tiis muna
Darating din sa ‘ming buhay ang ginhawa
Unang s’weldo lang daw, pag nag-remit siya,
Pambayad sa utang ay sobra-sobra pa.
Isang buwang kayod sa gitna ng init
Hindi alintana ang pagod, ang homesick
Dumating ang pay day, tatay ko’y nasabit…
Dollar ay sa night club lahat napa-remit!
After almost one year, ang tatay ko ngayon,
Finished contract nguni’t wala ring naipon
Siya ay uuwing suot na pantalon
Ay yun pa rin dating kupasin n’yang maong!
Pareng Cocoy,
Game ako diyan. Balagtasan tayo one time at si Gloring ang topic. Wow, parang piyesta sa probinsiya. Salamat pare sa ideya. At saka kumpadre salamat din at nugustohan mo ang aking munting tula. Mabuhay ka kaibigan.
Chi,
Ang mga walang natatandaan sa dekada sitenta ay tiyak na may lampin pa noon. Anyway gusto kong isipin na noong dekada 80 ay nasa adolescent stage ka pa. Kung puro 90’s ang nasa memory bank mo, dito na siguro nagumpisa ang pinaka productive years sa buhay mo. Naging historian tuloy tayo sa topic na ito. Maligayang pamumundok ka chi and Happy Easter to you.
pareng cocoy, parang ako ang laman ng iyong tula
hanggang ngayo’y ang kupasing maong ang panggala
nasabing nasa abroad ngunit panay kalam ng sikmura
dahil kailangan ng bunso ang salaping nakukuha
sa pagbabanat nitong butong itinakda ng tadhana.
Pahabol kay Kumpadre Cocoy.
Nakakalungkot naman itong tula, wish ko na lang na palarin sana ang pamilyang iyan sa ibang pagkakataon.
Thanks.
kapitan, si gloria ang tapik? magsawa ka, eto, o:
******************************
alahoy! alahoy! tama na, huwag n’yo na akong subukan,
mga kabakatakan ko’t kakosa”y baka hindi ninyo alam?
emperador at emperatris ng mayamang imperyong japan,
pati na ang mabunying reyna’t kanyang kamahalan
si queen elizabeth ng palasyo buckingham!
ang pangulo ng estados unidos na si george bush koboy
ay matalik kong best friend kaalyado’t tagapagtanggol
hindi n’ya ako iiwan walang sawang tutulong
walang hindi siya gagawin upang laban ay ituloy
tagumpay sa terrorists , ‘yan ang aming layon!
dapat n’yong malamang lahat ay aking gagawin
upang katahimikan ay ating lubusang kamtin
maiangat ang buhay ng maralitang kababayan natin
umaasang pinoy hindi ko sila bibiguin
dahil hindi ako bababa sa taong 2010.
ano pa ang gusto n’yo, ano pa ba itong kulang
lahat nang pagsisikap ko’y para lamang sa bayan
hindi n’yo ba kayang tanggapin katotohanang sumisigaw
ako’y tinawag, pinili, sa bunton ng karamihan
hinirang ng diyos at sa palasyo’y kanyang inilagay?
aking ‘sinusulong ang chacha through people’s initiative
upang itong pagbabago’y lubusan nating makamit
mga kalaban ko’ng panay kontra’t ayaw sa aking nais
na habang buhay sa palasyo upang huwag mapaalis
ano ako bale narito na’y bakit di pa ako hihirit?
sobra naman kayong pikon, ayaw n’yo lang na tanggapin
ako’y hindi ganid, hindi sukab lalong hindi sakim
lalong hindi gahamang mundong yama’y aangkinin
ligaya ko nang kayo’y aking pangakua’t paasahin
sa manipuladong mga datos at katotohanang dodoktorin.
ano ba naman kung bilyon bilyon ang lustayin at itago ko
mula sa kabang bayan sa paglilimayon namin ni fatso
di ba kayo maligayang nagpupuri buong mundo
sa bawat aking talumpating nagtatago ng totoo
upang itong administrasyon ko’y huwag sigawan ng “booooooh”?
yamang nailahad ko na itong hangari’t aking layon
magsitigil na kayo, maglubay na’t huminahon
ipikit n’yo na lang mga mata pumayag na at umayon,
wala rin naman kayong magagawa, kanino kayo magsusuplong?
kabig ko silang lahat : AFP, PNP, gabinete, kongreso’t mga hukom!
Sa kudyaping aking tangan
ay madamdamin kong sasaliwan
ang mga salitang aking bibitawan
laban sa mga pahayag ng reyna
na nabubuhay sa karimlan;
Sabihin man niyang di siya natitinag
at tunay na tigasin,
Na ang mga panawagan natin ay
kanyang dededmahin.
Naturingan kang glorya ng bayan
na siyang hahango sa amin sa kahirapan,
Ngunit bayan ay nagkamali
Kami’y iyong nilinlang.
Sa halip na sa ginhawa’y hahatakin
sa impierno ang buhay namin nabaling.
Nagmamalaki ka na hindi ka
kayang patalsikin,
Sa dami ng hawak mong pera kaya mong
kontrolin, militar, pulis, at pulitiko;
Isang tawag mo lang ka Uncle Sam
kaagad kang tutulongan.
Ngunit hindi mo kayang takotin
Ang bayan na matagal nang nangigigil
Pasasaan ba at babagsak ka rin.
sa Kangkongan pupulotin.
Batid mo ba ang nilalaman
ng linyang ito ng isang awitin
“Ibon man may layang lumipad,
Kulonging mo at umiiyak,”
Bayan pa kayang lugmok na sa katiwalian
at sobrang pahirap
ang di magnasang makaalpas?
Ipinangangalandakan mong tapos na
ang mga pagsubok na iyong dinanas,
Ang hello Garci,
impeachment trial
anak ng jueting scandals na
iyong hinarap,
Salamat sa mga datung at
pagpapagamit sa iyon ng mga
Congressmen, nakawala ka sa
bitag ng impeachment.
Kaya ngayon ikaw ay nagsasaya
umaawit ng gloria, gloria, gloria
Ipinanganalandakang ang ekonomya
ay umangat at matatagna
Dahil ang investment tumataas
at ang halaga ng dolyar kontra peso
ay parang panty nga bumababa.
Ngunit buksan mo ang iyong mga mata
Kabi-kabila ang report ng kahirapan at pagkagutom mahal na senyora,
ang mga iba nga diyan ay nagpapakamatay pa
dahil sa kahirapan at kawalang pag-asa
Sila’y namayapa.
Tumigil ka nga sa inyong pagbibida–
Na tahimik na ang kapaligiran
at ang mga tao ay nakontento na,
Kung may nagiingay man na pataksikin ka
ay tanging mga oposisyon lamang na sira tuktok at walang matinong magawa.
Ngunit sa tutoo’y batid ng buong mundo
Puro kalaswaan ang naghahari sa iyong pamumuno,
Sa mga isyung iniuugnay sa iyong pamahalaan,
May bukolan, patongan, at lagayan.
Papaano nga bang di magkalitse-litse ang
ating bayan.
Itong bagong isyu na iyong kinasasangkotan,
Pilit mong ipinaglihim ang iyong nalalaman
Sa Spratlys may pinirmahang kasundoang
Mas maanomalya pa sa North rail, South rail, at ZTE broadband,
Ang i-buy and sell sa ukay-ukay ang ating bayan.
Kaya naman ang mga tao ay nabubuwisit at
umaalma na, gusto kang patalsikin
Dahil ikaw ay salot ng bayan sa isipan nila,
Kaya naman panay-panay ang pagtatakip ng
mga obispo sa iyo sa paglantad ni Jun Lozada,
para masalba ka lang sa iyong trono
at dina bababa pa.
Huwag kang kasisiguro na hawak mo
sa ilong ang lahat ng tao,
Pati sa militar at pulis na pananggalang mo,
Supot-supot man ang perang ipamimigay mo
Hindi lahat ng Unity Walk ay
isasalba ka sa trono.
Masaya ka ngayon dahil nandiyan ka pa
hindi natitinag ano man ang sabihin nila,
Hindi ka natatakot kahit sa Diyablo at impierno,
Dahil matatag ka sa puwesto
Na animo’y bakal na asero.
Pero diyan ka nagkakamali,
hindi lahat ng suwerte ay nasa iyo,
Mawawalan ka rin ng alas
At tutuklawin ka ng mga
pinagkakatiwalaan mong ahas.
Sa nagkakaisang panalangin ng bayan
ikaw ay igugupo at sa kangkongan pupulotin,
Kulog at Kidlat, sa tinig ng nasa Kalangitan
Kailan man ay hindi mananaig ang kasamaan
sa Kabutihan.
Abangan mo mayat-maya ay may maninindigan,
ikaw ay haharapin at hindi nila tatantanan
Lagi kang mumultohin ng iyong mga kasalanan
Ng nagkakaisang tinig at pagkilos ng mga mamamayan,
Hanggang sa di ka bumababa sa trono at lumisan!
akin pang minumuni, ninanamnam sa damdamin
bago pa man ang pangarap ko’y katuparang tamasahin
pagsasakit ang ginagawa’t pinipiga ang mithiin
hinahabi ang marapat kung ako’y papalarin
walang akong ipangingimi, walang anumang di gagawin
sinuma’y aking ibubuwal kung sagabal sa landasin.
nang sumapit ang sandaling hinihintay na pagkakataon
waring sa mga pinaplano ko’y lahat lahat umaayon
kahit sino man ang lumagay sa lugar ko’t nilalayon
harangan man nitong sibat at palasong may’rong lason
haharapin maging tangke, APC, mortar man o kanyon
sisirin kung maaari lang ang lalim ng bulkang mayon.
subali’t ano’ng inam, sa tagumpay ko’y walang hirap
napa sa ‘kin ang palasyong laman ng diwa ko at pangarap
sa kunwari kong pakikilaban para sa kapakanan ninyong lahat
isang sigaw lamang ang ginawa’t sa entablado’y walang puknat
batikos ng pagkakanulo sa mahal ninyong pareng erap
kaya biglang ang nangyari, ako ngayon itong batas!
(he he heh!) nakuha ko itong baton without exerting too much effort
sa kumpas ng kamay ko dapat lahat ay susunod
ako ngayon ang may hawak ng kapangyariha’t walang paltos
bawat isa’y tatalimang sa dibdib ay mayro’ng takot
iiwasang sa pagkakamali’y aanihin itong poot
kung hindi sa lalim ng hukay, ang bagsak n’yo ay kalabos.
mapatid man ang litid nila’t mamaos sila sa pagsigaw
na inagaw ko ang presidency ng “not only once but twice”
kahit inamin ko ang pandarayang sa akin ngayon ay naglagay
may papalag pa ba sa inyo, di ba’t inyo nang nagisnan
‘nung ako sa tungkulin ay manumpa ng madaling araw
me reklamo pa ba kayo, may magagawa pa bang hakbang?
bakit hindi ay hawak ko mga leeg ng aking kabig
mga pinuno ng sandatahan, kongreso, gabinete, hukom, huwes
maging alagad ng simbahan katapat lang ay sobre’t noodles
bibig nila ay ititikom, mga mata nila ay ipipikit
papasakan ang mga tenga upang wala silang marinig
kundi taginting ng salaping pantapat sa kontra’t usig.
Bayan man ay naiiyak
Sa iyong naturan o inahing haliparot
Sa dami na ng iyong kinurakot
Bakal man ang iyong dinadaanan
Ay bumabaluktot.
Ano pa nga ba ang magagawa
Sa puwesto ay kapit-tuko ka na,
Baston ng kapangyarihan iyong hawak
Napasa kamay mo sa pangungulimbat
Boto ng tao na di iyo
Sa ngalan mo nailipat.
Hindi ka ba natatakot
Na darating ang araw ika’y mananagot
Sa kasalanang nagawa,
Pagbabayaran din sa bartolina.
Sigi ngumiti ka at hangga’t lumantad
Ang mala-koneho mong mga ngipen,
Alam ko may katigasan ka rin
Pasaway at laging nanggigil
Sa dami ng pilak at ginto
Na sa iyo’y itanatambak.
Sigi pahirapan mo pa ang Bayan
Painitin mo ang ulo nina Chi at Ellen,
Sigi galitin mo ang mga bloggers na magigiting,
Hindi lahat ng araw ika’y sasantohin,
bababa at babagsak ka rin.
Mga kritiko mo ay nais patahimikin
Ginagamit ang korte at mga instrumentong
mapanikil,
Tapalan mo supot-supot na datung ang mga gobernador, mayor, congressmen, at senadores,
gawing mong hudas ang mga gabinite at kawaning sumisipsip,
Hanggat nagpapagamit sila,
tuloy pa rin ang ligaya.
Hindi ka maaring tuligsahin,
May mga obispo ka pang kapanalig,
Anong katotohanan ang hinahanap,
Wala iyan, sandamakmak kayong
mga tunggak.
Diyan ka magaling
Ang bansa ay paghahatihatiin.
Alam mo ba na lalong lumalalim,
ang sugat na iyong itinamin,
dahil lamang sa iyong political greed.
Tumigil ka na dahil bilang na ang araw mo
Akala mo ba ay wala nang uusig pa sa iyo,
Mayroon dahil nagising na ang mga mamayan,
Mulat na ang mga kabataan,
Kahit batang paslit mukha mo’y dinuduraan.
Iyan ang napapala ng isang maldita
Nagmamagaling sa likuran ng mga intriga
Siya daw ay malinis at wala ka nang magagawa
Dahil hindi pa ipinapanganak ang
Papalit sa kanya.
Ako’y nalulungkot sa takbo ng iyong isip
Hindi maaring sa puwesto ikaw ay manatili,
Kahit napapaligiran ka pa ng mga advisers
na baliktad mangatuwiran at mag-isip
Bilang na ang iyong araw
Sa dami ng mga kasalanang iyong nakamit,
Madilim ang bukas na sa
iyo ay sasapit.
(Tigil putokan muna, na-dyi-dyingle ako.)
he he he he heeeeh!
kah kah kah!
nihihingal ako sa haba ng tula ng mama!
nisusumpung naman akoh ng hiiiiiiiiiiiiinnggggh hikha!
Nagbalagtasan na po si Magno at si magiting na Kapitan
Upang aliwin tayo dito sa Cocoy’s Delight na tambayan
Ito’y laging susubaybayan kasama na ang aking biyenan
Na di pahuhuli sa pakikinig ng ganitong palabas tuwing pistahan.
Nasan na ba si Goriong naghamon kay Magno
Na sa balagtasan daw ay hindi susuko’t patatalo
Wari ko’y siya na ay umatras at naglaho
Sa kanya pa naman nakataya ang naipon kung limang piso
Alahoy!Alahoy! Kumpareng Magno
Napagkamalan mo pa akong Kristo
Kasador at balasador sa sabungan ba kamo?
Tiga bitay lang ako ng tinali ni Pareng Inggo.
Mahilig lang akong mag-alaga ng manok na bulik
Ang pambili ng bigas ay napupunta sa por kilong feed
Ayaw ko ng kanaway at talisain na taliwas ang siksik
Liban sa sukutan ay sangkatutak ang dalang buwisit.
Sa inyong balagtasan ni kapitan ako ay no contest
Pareho kayong magaling wari alam kong pareho kayong takot sa misis
Makikipagsaya lang ako sa inyo lalo na kapag may musik
Katulad ni kasamang Chi na lubos lubos ang haliklik.
Ika’y ba kasamang chi ay tila namundok na
Ganya baga ika tuwing semana santa
Inaakyat ang bundok para makipagkamayan sa Rizalista
Kay Villarde,Vidal at Manalo ika ba’y walang bilib sa kanila?
Kumpareng Kutsara,
Galing mo pre, enjoy ako sa pagkakape at pagngatngat ng pandesal ni Aling Pule habang binabasa ko ang iyong tula. Ewan ko kung kailan uli kami mag-re-resume ng session ni pareng Mags. Siguro kailangan maginterpeleyt naman si Ka Gorio.
Mga makatang gurang, ipagpatuloy ninyo, hahahaha!
Putris nalimutan ninyo na yata yung Milk Nougat na lima singko, tira-tirang singko isa, pinapuputok yung Juicy Fruit ng pahigop, maong na Bang-Bang at Faded Glory habang naka-makintab na polong Niknik. Naka singsing na Coke Monster Ring. Naka 4 inches na takong yung Glenmore mong toktok habang pinapanood mo si Resty Fabunan habang sinisindihan yun Fender Mustang niya bago matpos yung concert ng banda niyang Maria Cafra sa Magsaysay Avenue sa Gapo. (Tama ba Cocs?)
Uwi kayo ng Maynila sakay ng brand new L-type na Colt Lancer ng tatay ng barkada mo pero chip-in kayo ng tig-bente pang-gaso. Apat na piso ang toll fee mula Pampanga hanggang Balintawak. Pag maaga-aga pa, dadaan sa Aberdeen Quezon Boulevard para tumunog kung may karera. Pag wala makikipagkulitan na lang sa mga pick-up girls sa kabila ng kalye; putris kapitbahay ko yung ibang chicks!
Diretso sa Shakey’s Greenhills para bumuntot sa grupong nagbe-burning rubber hanggang marating ang quarter-mile sa Libis o sa Green Meadows. Pustahan na: pera, pitik sa kamay, minsan kotse pati syota, ipinupusta! May mga Parak! Sibatan na, teka, wala munang magtatapon ng spikes sa kalsada hanggang hindi nakakaalis ang lahat!
Diretso tayo sa Makati Avenue, marami pa bang mga Kana na taga-I.S. na nagkakalat sa Tib’s o sa Rock’s? Malas yata ngayong gabi, baka sa Imelda Avenue pauwi na yung mga models ng Bob & Joe’s. Bakit kulang ang tropa? Baka nandoon sa Kalayaan Avenue, sinusundo yung mga syota nilang Girard-Pieters o baka naman nagbibilyar sa Roxy’s o Cat House sa Kalayaan Ave.
Yung mga nakatsamba kanina, may nadampot na mga Tisay, kaso hindi marunong mag-motel, hahaha! Dinala sa damuhan sa loob pa ng U.P. ! Doon sa malapit sa Sunken Garden.
Mga Tsong, magliliwanag na. Pasok na tayo sa Wherelse o sa Stargazer, wala nang bantay sa gate ganitong oras, ligtas na yung P150 natin. Pero wala rin dito ang tropa, tignan natin doon sa Big 20’s o sa Pepe’s, 01, 02, Culture Club o Faces ano na bang pangalan niyan ngayon? Daan nyo lang muna diyan sa mamang nakatayo sa ilalim ng puno sa kanto ng Makati Avenue at Pasay Road, bibili lang ako ng Marlboro blue, bente lang ang military seal diyan.
Hindi pa ba kayo nagugutom, gusto ninyo mag-almusal muna tayo ng siopao at balut sa Aberdeen Makati, dun ngayon nakatambay yung nagparty kagabi na Dasma. Mas masarap yata mag sinangag at chicken BBQ sa Aristocrat sa Dewey, tamang-tama labasan na ng mga chicks sa mga Clubs at disco baka makadagit pa tayo sa last 3 minutes. Baka matsambahan ko pa dun yung katable ko nung isang gabi sa Odyssey.
Naku, pumutok na ang araw, maliwanag na, sermon na naman tayo nito. Hindi bale, sasabihin ko na lang sa bahay na sa mga Lola ko ako natulog.
Pero ano ito? Tol, langya ka naman, kaya pala nagtatakbuhan palayo yung mga tsikas pag papalapit na itong magara mong kotse e, pula ang plaka. May sticker na ng Camp Aguinaldo, naka-flasher pa. Sa isang Biyernes, huwag na ito ang dalhin natin. Yun na lang Celeste di kaya yung Galant na station wagon.
Uwi na tayo, naririning ko na sa radyo si Ngongo at Johnny De Leon.
Ton,
Tol hindi ka nga gurang, historian ka lang. Isang historian na tinuboan na ng buhok sa kilikili noong decada sitenta. Tol siguro noon otsenta, magkasing-edad lang tayo at tipong nakasapatos ng addidas at nakasuot maong with matching white T-shirt, etc. Tol ang mga kalyeng pinuntahan mo pang mayayaman iyon at doon sa malakas ang delihensiya, bibihira kami magawi doon dahil pangkadilakad lang ang mga toga namin (sapatos). Tol kung sasakyan mo ay may plakang pula tiyak na konektado ka sa Crame o kaya kasama ka doon sa mga tiktik ng Aguinaldo. Pero masarap ang buhay noon Tol, marami pang bigas na nabibili, ulam nga lang ang kulang. Sana mayroon pa diyang “hindi nadyadyahi” na
magaambag pa ng kanilang mga nalalaman sa mga dekadanng lumipas. Mga kasama, mas nakakaiyak pa ito key sa paghahanap ng katotohanan sa Senado. Sana may mga lolo at lola namang maglitanya ng mga kaganapan noon decada 60’s at 70’s.
wari ko si tongue ay siga noon umpisa sa wildduck hanggang sa may luneta park kung saan nakahanay ang mga tambayang disko at nayt klab. gamit ang wang wang ng kanyang barkada ay sinusuyod nila gabi gabi ang kahabaan ng mabini at kapag nagsawa na ay tuloy sa bughaw o sa pegasus. kung talagang walang wala ay nagtitiyaga na lamang sa kalookan sa international cabaret.
paano kong makalimutan ang mga lugar na itong lagi naming pinapasadahan noong kabababa pa lamang ng martial law gamit ang puting land cruiser ng MP at nanghuhuli ng mga pulis at sundalong pumapasok sa mga ganitong uri ng lugar dahil ipinagbabawal lalo’t may dalang armas? walang pinipili kahit pa opisyal, basta’t napintahang pormang militar o pulis ay sinisita at kinakapkapan at kapag merong nahuling bukol sa bewang, sori na lang, trabaho lang walang personalan.
oi pano ba h
Hello. This post was interesting and informative. My husband have been hunting for this type of article for quite some time and We realize that your thought on the issue is spot on. We are going to be sure to mention this blog post to my brother. Will you show me how to receive this site’s new updates? Don’t stop making articles!
well advice and sharing,I will buy one this great shirt for me .thanks
pwede vhang turuan mhu akoeh yan!kung paano gagawa!!!
aku. . . . .rin pwede din vha ha!pls . . . . . .
I love Irving, he has a little something extra.