Feeds:
Posts
Comments

Archive for March 9th, 2008

Sinulat ni Magno Rivera

Heto ang KAPAYAPAAN na alam natin, noong wala pang KAUNLARAN… at
makabagong kabihasnan……

Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi natin galing sa paaralan. Walang mga
bakod at
gate ang magkakapit-bahay, kung meron, gumamela lang.

10 sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon.
Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo.
Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro/a.

Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala.

Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o kaya sa
tumana.
Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal’s office
o kaya malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams.

Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa,

mapagtapos ang mga anak… Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa
hindi mo kakilala;
wala namang lock ang mga jeep na Willy’s noon.

Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili. Trak-trakan
(gawa sa rosebowl
ang katawan at darigold na maliit ang mga gulong, “sketeng” (scooter)
na bearing na
maingay ang mga gulong at de-sinkong pako para sa preno; patining na
pinitpit na tansan
lang na may 2 butas sa gitna para suotan ng sinulid (pwede pang
makipag-lagutan) ;
sumpak, pilatok, boca-boca, borador, atbp.

Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata: kasi laro nga
iyon.
Maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba, turumpo,
tatsing ng
lata, pera namin ay kaha ng Philip Morris, Malboro, Champion
(kahon-kahon yon!)
May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi,
nandadakma ka
ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging dahil sa kulugo;

Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas – suot mo pa rin;
Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa
lupa.

Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology.. .

di ba minsan nangarap ka na rin… mas masaya noong araw!

Sana pwedeng maibalik…

Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap,
maraming addict
at masasamang loob…

Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola. Pero
ngayon, alam na
natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong mapahamak o
mapariwara.. .
Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo…

Balik tayo sa nakaraan kahit saglit…

Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone. Noong wala pang
mga drugs
at malls. Bago pa nauso ang counter strike at mga game toys.

Tayo noon… Doon…

Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang buwan;
Ang
pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri pag
nanonood ka
ng nakakatakot sa “Mga Aninong Gumagalaw.”

Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na kabisado na tin,
kasi wala namang
calculator. Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo,
lundagan sa kama;
Pagtikwas o pagtitimba sa poso; pingga ang pang-igib ng lalake at may
dikin naman
ang ulo ng babae; Inaasbaran ng mga suberbiyo; Nginig na tayo pag
lumabas na
ang yantok-mindoro o buntot-page.

Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton sa pwet para hindi
masakit ang
tsinelas o sinturon?

Pamimili ng bato sa bigas; tinda-tindahan na puro dahon naman;
bahay-bahayan na puro kahon; naglako ka ba ng ice-candy o pandesal
noong araw?

Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga; pagtawa hanggang
sumakit ang tiyan;
Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O kaya ng lukaok, susuwi
at espada?
Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata… Estigo santo
kapag nagmamano.
Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa “berdugo” at sa
“kapre”;
Tuwang- tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi may tinola! Yung
crush mo?

Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay – alembong, taeng-kabayo
o biscocho?
Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng singsing) o
kaya nougat o karamel;
Kung gusto mo naman – pakumbo o kaya kariba, mas masaya kung inuyat;

Puriko ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos na ang hininga mo
sa ihip kasi mahirap
magpa-rikit ng apoy.

Madami pa…

Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas sa pagitan ng
daliri
para sa sawsawan; ang palutong pag isawsaw sa sukang may siling labuyo;

ang duhat kapag inalog sa asin; ang isa-sang isubo ang daliri kasi
puno na ng
kanin… Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog;

Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka; o naghahanap ka
ng
chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan. Lipstick mo ay papel
de hapon;
Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit;

Naglululon ka ng banig pagkagising; matigas na amirol ang mga
punda at kumot; madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka
nagpapahid
ng sipon, di ba? Pwede rin sa laylayan…

May mga program kapag Lunes sa paaralan; May pakiling kang dala kung
Biyernes kasi
magi-isis ka ng desk. Di ba masaya?

Naalala mo pa ba?

Wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na yon…
Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang
ina-alaala iyon… Di ba noon…
Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na “sino ba sa dalawang
ito? Ito ba o ito?”
Pag ayaw ang resulta di ulitin: “sino ba sa dalawang ito? Ito ba o
ito?”… Awit
muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How
how the carabao batuten…

Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman;

Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti; Nauubos ang
oras
natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa;

Naaasar ka kapag marami kang sunog sa
sungka; kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.

Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero
sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo.

Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo;
meron tayong skyflakes at Royal sa tabi.

Kung naaalaala mo ito… nabuhay ka na sa KAPAYAPAAN!

Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!

Haaaaay!Haaaay! Ang Saya…..Saya!

https://cocoy826.wordpress.com———-e-mail:cocoy826@yahoo.com

Read Full Post »


Mahal kong anak,
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng “binge!” paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo ‘yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.

Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin Sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.

Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ….

Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina…
Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan

Tired of visiting multiple sites for showtimes?
Yahoo! Movies is all you need

Read Full Post »

PROSTITUSYON PANUKALA NA GAWIN NANG LEGAL
(Malou Escudero, Pilipino Star NgayonSunday, March 9, 2008 )

Isang panukalang batas ang isinusulong ngayon sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso na naglalayong amiyendahan ang article 341 ng Revised Penal Code upang matanggal na ang criminal liability ng mga taong nagiging biktima ng prostitusyon.
Sa Senate Bill 2006 na inihain ni Sen. Francis “Chiz” Escudero, ipinaliwanag nito na dapat ikonsidera na biktima ng sitwasyon ang mga nasasadlak sa prostitusyon at hindi mga kriminal.
Hindi na aniya napapanahon ang batas kaug­nay sa prostitusyon kung saan ikinokonsi­derang criminal ang mga kababaihang nasasadlak sa prostitusyon.
Kabilang ang prostitusyon sa mga probisyon ng anti-vagrancy law at dahil mahirap patunayan ang kasong prostitusyon kaya kalimi­tang vagrancy charges ang ikinakaso sa mga nahuhuli.
Hindi aniya dapat hulihin ng pulis ang mga walang trabaho na nahuli lamang nakatayo sa isang kanto at pinaniniwalaang sangkot sa pros­titusyon dahil bigo ang gobyerno na maka­pagbigay ng trabaho lalo na sa mga mahihirap.
“Huhulihin ka ng pulis pag wala kang trabaho. Aba’y teka muna ginagawa ba ng pamahalaan ang kanyang trabaho na mag­bigay ng trabaho sa kanyang mga kababa­yan?” ani Escudero.
Sa panukala ni Escudero, ang maaari lamang managot ay ang mga bugaw at ang mga customer kung saan ipapataw ang parusang “reclusion temporal.”

Tired of visiting multiple sites for showtimes?

Read Full Post »