Feeds:
Posts
Comments

Archive for March 3rd, 2008

Pumapapel na si Noli at lagi niyang sinasabi sa English na siya raw ang Constituitional successor kapag mabokya ang banka na si Gloria.Ngunit bago natin sakyan at i-angkla ang reserbang goma sa senaryong ito ay maigi na atin munang suriin at bigyan ng ganap na makauring disposisyon ang mga pangyayari upang hindi tayo malito kasama ng ating mga kababayan na nagtapos lamang sa mababang paaralan para hindi uli sila mahatak at malansi ni Kabayan.

Ang Panawagang “Gloria Resign”sa teritoryo ni Binay ay tumatagos hanggang sa pinakamababang lebel ng masa at mga opisyales ng gobyerno na parang siniko sa dibdib ng pitong demonyo dahil kartada singko ang ang naihirit na baraha.Pero ang naging siste ng rally ay watak-watak ang opposisyon at hindi konsolado, sila ang mga burges na oposisyon o ang paksyon ng naghaharing uri at iba na may binabalak na humalili.Ng umakyat na ang CO-RAP sa entablado pinalakpakan ang dilaw na bistida ni Cory at nang ng nag-inglish na si Asiong Salonga ay nasapawan ang bidang si Jun Lozada.Kaya tuloy naisip ko,ano kaya ang dapat tayaan sa beto-beto? Ngunit ang naiwang maraming pangkat ay nagkakaisa sa kanilang kagyat na panawagan na dapat umalis si GMA sa poder ng kapangyarihan.Nandito ngayon ang nabuldigat na problema kung ang pagpapatalsik kay GMA kapalit si Noli De Castro gamit ang “succesion excuse” ng proseso ng kasalukuyang umiiral na konstitusyon ay tutol si Loren Sinta dahil kasabwat daw ni Gloria ang tiga hila ng lubid ng Nazareno sa pandaraya kaya siya nanalo.Ibig sabihin ang kandila ng dalawa ay kukurap-kurap na o kaya’y ang pagiging kumare at kumpare ay naglakbay na sa ere.

Kaya ang kumapre ko na nag-attend ng rally ay ganito ang sinabi- —-

Nakakainis ang nangyayari ngayon. Kung minsan naiisip ko, impossible ng umunlad pa ang Pilipinas at naisip ko rin na kumuha ng tourist bisa at mag TNT sa America dahil hindi pa natutpad ang wish ko na ang Philippines to becomes US state. Pero imposible iyun pare!Una tinutulan ni Quezon,sa totoo lang okey na ang Pinas.when it came to its people sa dami ng magagaling sa atin.Lalo nasa politika sa kongreso nand’yan si Tony Diaz na maraming naipasang batas,kung sipag lang naman sa pagiging kargador nand’yan si Way Kurat, at kung sa pirmahan lang experto si Iggy Arroyo, d’yan ang dalawa niyang tungaw na pamangkin na mahilig mag-import ng kabayo. Pag matuloy pa ang election sa 2010 ay may showdown sina Willie at Joey sa pagka-senador. Kung batas lang naman ang pag-uusapan ay tulo laway lang kay Gordon at Ping lalo na kapag bagong gupit si Bianzon at magkatabi sila ni Pimentel nasisingkol ang utak ni Mirrian at nasusunog ang upuan nina Lito at Bong.. ……

Kaya nga pare! Lintik at pesting gobyerno ito,iyung sahod ko sa isang buwan ay kukulangin kung pakakainin ko ang junior at neneng ko sa Jolibee, tapos may evat pang babayaran.Nakuba na ang likod ng kumander ko sa paglalabandera at mataas na ang kanyang balikat dahil kapos sa pambili ng bitamina at hindi pa naaalisan ng problema,mas problema pa kung mamatay mas malaki ang gastos dahil iyung mga nag to-tongits sa lamayan ay malakas sa paborita at kape,Mas makakatipid pa pag nabubuhay dahil tatlong supot ng noodles para sa pananghalian ay mura kesa sa bayad ng punerarya.Ang sapatos ko ay nabutas na ang swelas,sayang Nike pa naman na pasalubong sa akin ng pinsang kong balikbayan kaya lagi kong iniingatan,itong gobyerno ni 4×4 milyones ang kinukurakot.Kailan kaya bibitawan ni Arroyo ang Bola?

Read Full Post »